CHAPTER 22
Linggo iyon ng hapon, tinupad ng mag-asawa ang pangako nila sa magulang ni Mariel. Doon nga sila magdi-dinner nang gabing iyon sa bahay ng magulang.
Kwentuhan, tawanan, asaran, tuksuan…iyon ang mga nagaganap sa bahay ng mga De Guzman sa gabing iyon. At ang kabuuhan ay tungkol sa apo ng dalawang matanda. Mabagal daw kumilos si Matt kaya hanggang ngayon ay wala pa itong nabubuo, kaya matatagalan pa bago masilayan ng dalawa ang kanilang magiging apo.
Pinayuhan ng dalawang matanda si Matt na wag maging masyadong busy sa trabaho upang laging my oras para sa pagbuo ng pamilya kasama ang anak nilang si Mariel.
Nagyabang si Mister De Guzman tungkol sa pagpapamilya nito noong kabataan nila ng kanyang asawa. Mahirap magbuntis noon ang asawa kaya tumigil ito sa bahay upang tuunan ito ng pansin hanggang sa mabuo at maipanganak si Mariel. Mula noon ay hindi na nasundan ang kanilang anak dahil sa tuwing nabubuntis si Misis De Guzman ay nalalaglag ang dinadala nito.
Maaaring nagmana diumano sa kanyang ina si Mariel kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito nagdadalang-tao. Ilang beses naman nilang mag-asawa na sinubukan na magkaroon na ng anak ngunit sadyang hindi pa siguro panahon para bigyan sila ng isang anghel na kanilang aalagaan hanggang sa ito’y lumaki.
Masayang iniwan ng dalawa ang mga magulang nang gabing iyon. Dumaan muna sila sa isang grocery store. Naghahanap kasi ng matatamis ang sikmura ni Myles.
Wala syang gana sa ibang pagkain, nasusuka sya kapag naaamoy ang nilulutong pagkain ni Manang Mildred, ngunit napakasarap sa kanyang panlasa ang matatamis na pagkain lalo na ang dried mango.
Ipinarada ni Matt ang sasakyan sa gilid ng 7-11. Pumasok si Myles sa loob ng store na iyon habang si Matt ay naroon lamang sa labas at hinihintay ang paglabas ng asawa.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...