CHAPTER 33
Bumaba si Myles ng kotse nang maiparada ni Matt ang sasakyan. Naroon na sila sa resort nang mga oras na iyon.
Maganda ang lugar. Siguradong mag-e-enjoy sya rito. Buti na lamang at sinama sya ng lalake.
“ okey ka lang ba?” tanong sa kanya ni Matt nang makitang tahimik lamang sya.
“ yes..im fine! Parang…”
“ parang anu?”
“ parang pamilyar sakin ang lugar na ito, kahit ngayon lang ako nakarating dito”
“ baka naman kasi talagang nakarating ka na rito dati? Na hindi mo lang natatandaan?”
“siguro nga? “ aniya na nag-iisip kung tama nga ba ang sinabi ng lalake. Ngunit kahit anung pilit nya sa kanyang isip na alalahanin kung nakarating nga ba sya dito noon ay wala sya’ng maalala. Kaya binalewala na lamang nya ang pakiramdam na iyon at sumunod kay Matt papasok sa loob ng kanilang tutuluyan.
Katamtaman lamang ang laki ng resthouse na iyon ngunit magarang tingnan. Halatang ginastusan ng malaki bago matapos gawin.
“ pahinga muna tayo? Mukhang napagod ka sa byahe natin! Maya-maya kapag hindi na gaanung mainit ang sikat ng araw ay ipapasyal kita dito sa lugar” sabi sa kanya ni Matt.
Sumang-ayon naman sya sa sinabi ng lalake. Napagod nga naman talaga sya sa mahabang byahe papunta rito. Hinatid sya ni Matt sa kanyang magiging kwarto.
Pagkapasok sa loob ay namangha sya sa ganda ng desenyo ng loob ng kwarto na iyon. Nakakarelax itong pagmasdan. Bagama’t mababa lamang ang kisame, napaka-cute naman nitong tingnan.
Tila hinila ng kama ang kanyang katawan at niyayang humiga roon kaya lumapit sya sa kama at umupo muna roon.
Mula sa kanyang silid ay natatanaw nya ang magagandang tanawin sa labas ng kanyang kwarto. Nakikita nya ang bawat hampas ng tubig ng dagat sa buhangin, mga maliliit na bangka na dumaraan sa kanyang paningin, at mga ibon na nagliliparan at nag-aabang ng mahuhuling isda upang maging pagkain.
Sa lakas ng hangin sa labas ay maari nang hindi nya buksan ang aircon ng kanyang kwarto. Buksan lamang nya ang bintana roon na gawa sa salamin ay magiging maayos na ang kanyang pagpapahinga.
Hinaplos muna ng kanyang kamay ang kama, at nang maramdaman ng kanyang palad ang malambot nitong pagkakayari ay agad sya’ng humiga. Inunat ang katawan na kanina lang ay nangangalay na sa haba ng kanilang byahe, niyakap ang malambot na unan saka pinikit ang mga mata.
Maya-maya lamang ay mahimbing na sya’ng nakatulog.
Sa kabilang silid naman na kinaroroonan ni Matt ay nakatulog na rin ang lalake. Halos magkasabay lang sila ni Myles na mawalan ng ulirat. Parehas silang napagod sa byahe.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...