CHAPTER 48

292 9 0
  • Dedicated kay Raymond Barrugz
                                    

CHAPTER 48

           “ anak tahan na, wag ka ng umiyak!! Talagang hanggang dito nalang siguro ang buhay ni Matt” ani Arianna habang hinahaplos ang likod ng anak na hindi pa rin tumatahan sa pag-iyak. Makailang beses na nya ito’ng pinainum ng tubig upang ibsan ang hirap nito sa paghinga dahil sa sobrang pag-iyak. Awang-awa na sya sa anak. Magmula ng idiniklara ng Doctor na wala ng pag-asa na mabuhay pa si Matt dahil sa malaking pinsala na tinamo nito, hindi na tumigil si Myles sa pag-iyak.

             “ paanu na ako ngayon Mommy? Wala na si Matt hindi ko kaya na mawala sya, anu pa’ng silbi ng buhay ko kung sya naman yung mawawala?”

          “ ganoon talaga ang buhay anak, kadalasan, may mga bagay na nagbabalik at may nawawala! Minsan naman kapag may nawala, may dadating! Kaya lang, lagi natin’g iisipin na lahat naman ng nangyayari sa mundo, may dahilan at iyon ang kagustuhan  ng Panginoon anak”

          “ may dahilan? Anu naman ang dahilan sa mga nangyayari ngayon? sobrang hirap na hirap na ako! pakiramdam ko, lagi nalang may kaakibat na paghihirap ang bawat masasayang bagay na nangyayari sa buhay ko!”

         “ kung anuman iyong dahilan sa mga nangyari ngayon, malalaman at matutuklasan mo din iyon sa sarili mo pagdating ng araw”

                 Lumabas ng kwarto si Arianna upang mapag-isa si Myles kasama si Matt na halos wala ng buhay, at humihiga na lamang gamit ang mga apparatus na nakakabit sa katawan nito. Kapag nagdesisyun sila’ng tanggalin ang mga iyon ay tuluyan ng mamamaalam si Matt sa mundo. Ngunit hindi pa handa si Myles roon, kahit katiting na pag-asa ay may natitira pa sa kanyang pagkatao na gagaling at gigising din si Matt. Nararamdaman iyon ng kanyang puso. Nangako sa kanya si Matt noon na kahit anung mangyari ay hinding-hindi sya nito iiwan, kaya umasa sya sa sinabing iyon ng binata.

            Hindi pa nya maisip ang buhay na hindi kasama ang lalake. Niyakap nya ito at isinandal ang ulo sa dibdib ng nito. Unti-unti na naman’g lumalabas sa kanyang mga mata ang naglalakihang butil ng luha at pumatak pa iyon sa damit na suot ni Matt.

            “ Matt, bumalik ka na! parang awa mo na,hindi ko kayang mabuhay na wala ka”

            “ di  ba?? ,, marami pa tayo’ng mga pangarap? Magpapakasal pa tayo at bubuo ng pamilya? Di  ba?”

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon