CHAPTER 9
Mula sa kawalan ay naghihintay si Myles kung saan ibabagsak ang kanyang katawan. Para syang hinigop ng isang napakalaking bibig ng isang napakalaking nilalang. Nakakatakot ngunit matindi ang kanyang paniniwala na nasa mabuting kalagayan sya dahil si Hesus ang may gawa noon sa kanya.
Patuloy ang kanyang pagsigaw. Palakas ng palakas dahil bumilis ng bumilis ang kanyang pagbagsak pababa.
“ aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh” malakas nyang sigaw na ikinagugulat naman ng nakarinig sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ng isang nurse habang naglilinis sa isang bangkay na kamamatay pa lamang. Hindi pa nga gaanung malamig ang bangkay dahil kani-kanina pa lamang ito dineklarang patay na.
Sanhi ng sobrang pagkagulat at takot ay nagsisisigaw ito palabas ng kwarto.
“ yung patay! Yung patay” takot na takot at nanginginig ang katawan, namumutla ang bibig na sigaw nito sa bawat taong nadadaanan.
Hindi naman maintindihan ng mga naroon ang ibig sabihin nito. Sinalubong ito ni Doctor Bartolome nang Makita itong tumatakbo at ikinulong sa braso nito upang kausapin.
“ bakit takot na takot ka?”
“ yung patay nyo po doc…yung patay nyo po!”
“ anung nangyayari sa patay!”
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...