CHAPTER 11

471 14 0
                                    

CHAPTER 11

                            Ipinarada ni Matt ang kotse sa basement area ng malaking ospital at nang makababa ng sasakyan ay umikot ito sa pwesto ni Myles at binuksan ang dalaga.

                         Sabay silang naglakad patungo sa kwarto ni Doc. Bartolome.

                  “ oh…how are you Mariel?” tanong ng doctor sa kanya ng makapasok sila sa  loob.

                “ medyo okay naman po ang pakiramdam ko”

                 

                 Sinuri si Myles ni Doc. Bartolome, habang nakatingin lamang si Matt sa ginagawa ng Doctor sa kanya. Lihim na sinusulyapan ang dalaga at gumuguhit sa mukha nito ang matamis na ngiti. Kung maganda si Mariel noon ay mas lalong nagging maganda ito ngayon sa kanyang paningin. Hindi na nya mahihintay ang araw, at gusto na nya itong maging legal na asawa.

                  

                     “ isang himala itong nangyari sayo Mariel, wala ka ng sakit!” masaya na balita sa kanila ni Doc. Bartolome

                  “ Talaga po Doc? Ibig sabihin magaling na si Mariel?”

                  “ sa mga resulta ng test ni Mariel ngayong araw na ito, wala nang makitang komplikasyon sa kanyang katawan at maging ang kanyang blood result ay normal. Magaling na ang fiancée mo Matt..ngunit kailangan pa rin natin syang subaybayan para masigurado na magaling na nga sya.”

                “ sige po Doc, wala namang problema doon, gusto ko din naman masiguro na magaling na nga ang aking future wife”

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon