CHAPTER 30
Walang gagawin si Matt nang araw na iyon dahil hindi naman sya papasok ng opisina. Kung magtatambay naman din sya sa bahay ay puro bangayan lang ang mangyayari sa pagitan nila ni Myles.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay napapagod na sya sa ganoon nilang gawain kaya naisipan nyang umiwas muna sa babae.
Umalis sya ng bahay sa mga oras na ito na hindi alam kung saan tutungo.
Hanggang sa namalayan na lamang nya ang kanyang sarili na nagtungo sa Evergreen Memorial Park,kung saan nakalibing ang ala-ala ni Mariel.
Umupo sya sa puntod nito, sa harap nya ay naroon ang litrato ng babae na nakangiti sa kuha nitong larawan. Naalala nya na sya ang kumuha ng larawan na iyon noong magbakasyon silang dalawa noon sa Palawan. Buhay na buhay pa noon ang babaeng mahal na mahal nya.
Sa pagkakatitig nya sa larawan ay naalala nya ang araw na naroon sila sa Palawan, kasama ang babae.
“ hon? Gaano mo ako kamahal? Ung totoo ha? Hindi bola” tanong sa kanya ni Mariel na seryoso ang mukha habang nakasakay sila ng bangka papunta sa gitna ng isla kung saan naroon ang kweba na gusto nilang pasukin. Sa mga oras na iyon ay alam na ng babae na may malala syang sakit na hindi pa sinasabi sa kanya dahil ayaw sya nitong mag-alala.
“ mahal na mahal kita Mariel, pagmamahal na hindi kayang ipaliwanag ng isang salita lamang”
“ napaka-matalinghaga naman noon?” anito na nakangiti sa kanya.
“ kasing-talinghaga ng pagmamahal ko sayo”
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...