CHAPTER 38

295 14 0
                                    

CHAPTER 38

              Ngayon na ang araw nang paglipad ni Myles papunta ng America. Kasama nya si Arianna at si Yolanda. Masayang-masaya sya dahil bukod sa pagpayag ni Yolanda ay sinuportahan pa sya nito.

            Hindi nila kasama noon si Matt dahil may biglaan itong business trip na hindi pwedeng hindi nito puntahan.

           Kaya gugulatin na lamang nya ang lalake kapag natapos na ang kanyang operasyon at kapag nakabalik na sya ng Pilipinas.

          Sa isang kilalang hospital sa America magaganap ang kanyang operasyon.

         Lulan sila ngayon ng eroplano. Magkatabi sila’ng tatlo na tuparin ang kanyang pangarap. Nasa eroplano pa lamang at hindi pa sila nakakalapag ng America ay kinakabahan na si Myles.

          Maraming tanong ang nabuo sa kanyang isipan. Magiging successful kaya ang kanyang operasyon? Magugustuhan kaya ito ni Matt kapag muli na sila’ng magkita pagbalik nya ng Pilipinas? Kapag nagkita sila ni Jel, makikilala pa kaya sya nito at tatakbo upang yakapin sya o tatakbo ito dahil sa takot na akala ay nakakita ng multo?

        Dahil sa mga isipin’g iyon ay hindi sya nakatulog sa haba ng byahe na kabaliktaran naman sa dalawang matanda. Dahil mahimbing ang tulog ng mga ito sa kanya’ng tabi.

            “ Lord, God, kayo na  po ang bahala sa akin” dalangin nya sa itaas.

            “ wag po ninyo ako’ng pababayaan, pahintulutan po ninyo na maibalik ko ang dati’ng ako”

            “ nagpapasalamat din po ako dahil, pumayag sina Mommy at Daddy, happy na happy po ako”

            Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay kinalma nya ang sarili. Sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata. Nang hindi pa rin sya dalawin ng antok ay nakinig sya ng musika, saka muling pumikit. Sa pagkakataong iyon ay hindi na nya namalayan na nakatulog na din sya. Ang huling musika na narinig nya ay ang kinakanta noon ni Geo, ang HOW DO YOU HEAL A BROKEN HEART.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon