CHAPTER 7
Hindi umalis si Matt sa tabi ni Mariel upang alagaan ang dalaga. Halos ginugol na nya ang lahat ng kanyang oras makasama lang ang babae. Pag tulog si Mariel ay saka na lamang sya bumibisita sa kanyang opisina upang pirmahan ang mga papeles na kailangan nyang pirmahan, ngunit pagkatapos noon ay agad din syang bumabalik sa bahay ni Mariel. Halos doon na nga sya tumutuloy sa bahay ni Mariel upang bantayan ito.
Habang tumatagal ay palala naman ng palala ang kondisyon ng dalaga. Ngunit hindi ito pinabayaan ni Matt. Sa oras ng pagkain, pag-inum ng gamot, pamamasyal sa lugar kung saan alam nya na makakahinga ito ng maluwag at kahit sa pagtulog ng babae ay naroon sya upang bantayan ito. Maliit man ang chance na mabuhay pa ito ay hindi nawalan ng pag-asa si Matt. Habang humihinga pa ito paggising nito sa umaga ay may pag-asa pa rin para rito.
Pagod ang katawan noon ni Matt kaya ng makatulog si Mariel ay sinabayan nya ang pagtulog nito. Galing sila noon sa Tagaytay. Ipinasyal na nung araw na iyon ang dalaga.
Nang makarating sa bahay at natapos na itong maglinis ng sarili at makapagbihis ay pinatulog na nya ito at saka naman din sya humiga sa tabi nito habang kayakap ang dalaga.
Mula sa kanyang kinaroroonan ay natanaw nya ang isang babae na nakakulay puti at mahabang damit. Batid na nya kung sino ito dahil ito ang pangatlong beses na nakita nya ang babae. Sa pagkakataong ito ay hindi na nya naisin pa na mawala itong muli sa paningin nya. Dali-dali nya itong nilapitan.
“ miss?’
Ngumiti lamang sa kanya ang babae at parang nahihiyang magsalita. Napakasarap tingnan ang mga ngiti nito, sandaling naibsan ang bigat na nararamdaman nya. Inabot nya rito ang isang kamay upang makipagkilala.
“ Im Matthew Villamor and you are?’
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...