CHAPTER 50

465 16 3
  • Dedicated kay Jessica Iglesias
                                    

CHAPTER 50

               NANG makalabas ng Ospital si Matt ay dinalaw nila ang burol ni Helton. Nalungkot sya sa nangyari sa kanyang kaibigan. Taimtim na lamang sya’ng nagdarasal na sana ay matahimik na ang kaluluwa nito sa kabilang buhay. Ilang beses sya’ng paulit-ulit na huminga ng malalim habang pinagmamasdan ito sa loob ng kabaong. Malayong-malayo si Helton sa Tonton na nakilala nya noon. Hindi nya akalain na ito ang kinahihinatnan ng buhay ng kanyang kaibigan.

              Ang dating tahimik na Helton na kanyang nakilala na inaapi lamang ng ibang bata, ay nagiging masama dahil sa poot at galit na itinanim nito sa kanyang puso. Ngunit kahit ganoon ang nangyari sa kaibigan, nasa puso pa rin ni Matt ang alaala na na minsan ay nabuhay noon si Helton na may kabutihan sa puso.

               Ilang araw ang lumipas ay inilibing na si Helton. Naroon ang pamilya ni Myles maging si Matt upang samahan itong ihatid sa huling hantungan. Tahimik ang lahat habang ang kasintahan ni Helton ay umiiyak habang bitbit ang anak nila ng lalake na noon ay ilang buwan pa lamang. Maging ang ina ng lalake ay tahimik din.

              Mga ilang oras ay natapos din ang seremonya sa simbahan at tahimik na naihatid si Helton sa huling hantungan. Nang matapos ang libing ay agad na nag-uwian ang taong naroon ngunit nagpahuli sina Matt at Myles. Tahimik lamang ang dalawa habang nakaupo sa harap ng lapida ng lalake.

             Ilang sandali ang lumipas ay nagsalita si Matt.

            “ kung nasawi ako kasama ni Helton, ano kaya ang gagawin mo?”

            “ hindi ko alam ang gagawin ko nun Matt, hindi ako handa na mawala ka sa piling ko, kaya sana wag kang mawawala ha? Mahal na mahal kita!, tandaan mo iyon palagi ha?”

            “ gagawin ko ang lahat upang habangbuhay akong mananatili sa tabi mo, mahal na mahal din kita Ms. Myles Angeline Cabaliero” anito kasabay ang nakakabighaning ngiti at tingin na bumihag noon sa puso ni Myles. “ ready ka na ba Ms. Myles Angeline Cabaliero na makasama ako habangbuhay?”

           “ oo naman? Ikaw pa? malakas ka kaya sa akin!” sagot sa kanya ni sabay tapik sa tagiliran nito.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon