CHAPTER 14
Ngayon na ang araw ng kanilang pag-alis. Dumaan muna sila sa bahay ng mga magulang upang magpaalam. Alas singko pa naman ng hapon ang kanilang flight at tanghali pa lamang ngayon kaya hindi sila mahuhuli sa airport.
“ mag-iingat kayo roon ha? Pagkarating ninyo ay tawagan ninyo ako” paalala sa kanila ni Misis De Guzman.
“ opo mommy, kayo din po ni daddy dito..mag-iingat kayo, mommy? Yung gamot ninyo ha? Wag ninyo kalimutang inumin.”
“ oo naman iha, gusto ko pa yatang tumagal sa mundo dahil nais ko ang makita ang aking mga apo!” pabirong sabi nito “ kaya Matt, sana pag-uwi nyo ay nagdadalang-tao na si Mariel!” pahabol pa nito.
“ sana nga mommy ay pagbibigyan na ako ni mariel” tugon naman ni Matt rito na sinaway naman ng asawa sa pamamagitan ng pagtapik sa braso nito.
Ilang oras na byahe ay nasa airport na ang dalawa. Akbay-akbay ni Matt ang asawa habang naglalakad papasok ng loob matapos ma-i-check-in ang mga dalang gamit. Naghihintay na lamang sila ng pahintulot na maari na silang magpunta sa eroplanong sasakyan.
“ hon, nagugutom ka ba?”
“ hindi naman”
“ hindi ka kasi kumakain gaano, sabihin mo kung anu gusto mo para mabilhan kita”
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...