CHAPTER 15
Tumagal pa ng ilang oras ang byahe ng mag-asawa bago marating ang airport ng Norway, sa haba ng byahe ay inabot sila ng halos dalawang araw mula Maynila papunta sa nasabing lugar.
Napakalayo kasi nito kaya bihira lamang ang mga nagha-honeymoon sa lugar na ito bukod sa layo, ay napakakali pa ng gagastusin para sa pamasahe.
Kapag isa ka lamang normal na empleyado at nagtatrabaho sa isang kompanya ay hindi mo na pangarapin pa ang ganito kagarbong klase ng honeymoon.
Nag-uunat si Myles nang katawan nang malaman na naroon na sila sa lugar. Naramdaman kasi nyang nananakit ang kanyang likod sa haba ng byahe. Nangangalay ito ng sobra at tila gusto na nyang maghanap na kaagad ng magmamasahi sa kanya.
Wala pang balak tumayo ang dalawa sa kinauupuan. Hinihintay nila na makalabas ang lahat na pasahero bago sila lalabas upang hindi na nila kailangang makipagsiksikan.
Nang sulyapan ni Myles ang kinauupuan ni Helton at ng kasama nito ay wala na roon ang dalawa. Malamang kanina pa lumabas ang mga ito. “ anu kayang gagawin ng dalawa na iyon dito?” isip-isip nya.
Mga labing-isang minuto din silang naghintay bago napagpasyahang lumabas roon. Nang halos wala nang makitang pasahero ay tumayo na si Matt upang kunin ang kanilang hand carry na gamit sa kinalalagyan nito na nasa ibabaw ng kanilang upuan.
Tumayo na rin si Myles upang kuwanin ang bitbit na maliit na bag. Doon nakalagay ang kanyang mga personal na gamit gaya ng foundation, perfume, lipstick, make-up at mga ilang gadget gaya ng iPod.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...