CHAPTER 16

448 11 0
                                    

CHAPTER 16

                   Naunang magising si Matt, pakurap-kurap pa ito ng kanyang mga mata na binalingan ng tingin ng mahimbing na si Myles.

                    Matagal nyang ipinukol ang tingin sa asawa, nasabi nya sa sarili na hindi sya nagkamaling pinakasalan ito. Para itong anghel at ang amo ng mukha, mahahaba ang itim na itim na pilik-mata, maging ang buhok nito ay ganoon din. Hindi man lang iyon nakatikim ng mga kemikal na galing sa saloon dahil hindi mahilig doon ang asawa.

                   Masaya na ito sa mahaba at deretsong buhok na umaalon ang dulo na tila gawa sa wire ng telepono, makintab na makintab iyon na halatang alaga sa suklay.

                 Maputi ang makikintab nitong pisngi na mamula-mula at normal lamang ang mapupulang mga labi kahit walang bahid ng lipstick sa mga oras na iyon dahil galing sila sa mahabang byahe.

                       Kahit pagod ito ay napaka-fresh pa ding tingnan ang mukha nito na may katamtamang tangos ng ilong na kapag ngumiti ay lumalabas ang maliliit na dimple sa ibabang bahagi ng mga mata.

                      Hinalikan nya ito ng marahan sa noo, at dahan-dahang inalis ang kamay na naipit sa ulo nito upang hindi ito magising.

                      Umungol lamang na marahan ang babae nang maialis nya ang kamay at iniba ang  ayos ng pagkakahiga at patuloy ang pagtulog. Nakayakap na ito ngayon sa mahabang unan na tinatawag na hotdog. Mas malaki nga lang iyon kumpara sa hotdog nila sa kanilang bahay kaya akala ng asawa ay sya pa rin ang kayakap nito.

                       Lumabas si Matt ng terrace ng kanilang kwarto. Mula sa kinaroroonan ay tanaw nya ang karatig-terrace ng nasabing hotel. Dikit-dikit lamang kasi ang mga ito.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon