CHAPTER 44
SA KINAROROONAN NI MYLES…..
Unti-unting nagdilat ng mga mata si Myles. Nahihilo sya kaya napahawak sya sa kanyang ulo. Kasabay noon ang pagharang ng kanyang kamay sa kanyang mukha dahil sa mainit na sikat ng araw mula sa butas na bubong.
Naroon sya sa isang madilim na lugar na tanging ang sikat ng araw lamang ang nagbibigay ng ilaw sa kanyang paligid. Nakakatakot roon, pakiramdam nya, may kakagat o kakain sa kanya anumang oras o kaya ay may lalabas na halimaw at sasakmalin sya.
“ nasaan ba ako?”
“ nasaan na si Matt?”
“ ano na kaya ang nangyari sa kanya?” pag-aalala nya. Alam nya na hindi ito magiging ligtas sa kamay ni Helton.
“ Diyos ko tulungan mo ako” tanging nasambit nya.
Sunud-sunod na kaba ang kanyang naramdaman na halos ikasasabog ng kanyang dibdib, pinapawisan sya ng sobrang lamig kahit na napakainit sa lugar na iyon dahil wala gaano’ng hangin ang nakakapasok, nanghihina sya ngunit kailangan nya’ng maging malakas para sa kanyang buhay. Hindi lang sa kanyang buhay kundi para sa buhay ng kanyang mga minamahal. Marami na sya’ng nalagpasan na pangyayari kaya umaasa sya na makakaligtas din sila sa sandaling ito. Wala ng oras upang mag-alinlangan. Kailangan nya’ng makatakas. Kailangan nya’ng iligtas si Matt.
Inikot nya ang mata sa paligid. Naghanap ng pwedeng magamit sa binabalak na pagtakas. Kailangan lang nya’ng matanggal ang tali sa kanyang kamay upang kasunod noon ay mas mabilis na nya’ng matanggal ang tali sa kanyang mga paa at takip sa kanyang bibig.
Kahit gaano man kahirap ng sitwasyon ay laging may solusyun kapag gustuhin, kapag determinado ka at naniniwala sa iyong sarili.
Naibsan ang bigat na kanyang nadarama nang may matanaw na sirang dingding na gawa sa salamin. Basag na ang mga bahagi niyon at sa pinakaibaba ay may nakausling basag na salamin. Iyon ang kanyang gagamitin upang makawala sa pagkakatali.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...