CHAPTER 3

941 24 0
                                    

CHAPTER 3

              Mabilis na lumipas ang isang taon. Masasabing nagiging masaya naman si Myles sa kanyang obligasyun. Kahit na sinuway nya ang lahat na iniuutos ni demonyong Lucifer ay hindi pa naman sya nagkakaproblema, dahil hindi naman nito natuklasan ang kanyang ginawa.

                       Nang minsang mag-ikot-ikot si Myles upang maghanap ng problemang maaari nyang lutasin ay isang surpresa ang naganap. Hindi nya akalain na makikita nyang muli ang binata na nakita nya noon sa baybayin. Isang lalake na dating malungkot at umiiyak habang nakaupo sa dalampasigan. Ang lalakeng minsan na rin nyang nakasama bago pa sya mahatulan ng habang-buhay na paghihirap sa Impyerno.

                     Noong makarating sya dito sa lupa ay hinanap nya ang lalakeng ito ngunit hindi na nya ito natagpuan. Marami na kasing nagbago at hindi na nya matandaan ang pasikot-sikot sa lugar dahil matagal din syang nawala.  Taon-taon nagbabago ang lugar gawa ng kasipagan at katalinuhan ng mga tao, kaya hindi na nya matandaan kung saan ito nakatira.

                     Nakaupo ang lalake sa isang mesa na tila may hinihintay. Kahit medyo nagbago ang mukha nito dahil mas lalo pa itong gumwapo ngayon, ay hindi sya pwedeng magkamali na ito nga ang lalakeng hinahanap nya. Naka-long-sleeve shirt ito na nakatupi hanggang braso. Ganun din ang naging ayos nito noong huli nya itong makita sa tabing-dagat. Nakapantalon at nakasapatos.

                      Maya-maya lamang ay nakita nya na may isang mestisang babae, ang paparating at lumapit sa lalake. Kung titingnan ito ay nasa twenty four pataas pa lamang ang edad nito na hindi naman nalalayo sa kanyang edad kung nabubuhay lang sana sya. Nang makalapit ang babae roon ay humalik ito sa pisngi ng  lalake. Hindi nya maintindihan ang sarili ba’t parang may kumirot sa kanyang puso kahit alam naman ng lahat na wala na sya nun dahil isa na lamang syang kaluluwa. Humalik naman ang lalake dito. Nasisiguro nya na nobya nito iyon. Kahit medyo naiinis sa nasaksihan ay kinampante nya ang kanyang sarili. Hindi sya pwedeng magalit dahil wala naman syang karapatan na gawin iyon dahil hindi naman sya nobya nito at lalong hindi nito alam ang kanyang presensya.

                    Matagal roon ang dalawa ngunit hindi umalis si Myles. Wala syang balak na hindi alamin kung saan nya muling makikita at puntahan ang lalake. Nakita na nya ito kaya hindi na sya aalis sa tabi nito. Maya-maya pagkatapos kumain ng dalawa ay nakita nyang tumayo ang mga ito. Kaya inantay nyang magtungo ito sa pintuan saka din lamang sya kumilos.

                    Hinatid muna ng lalake ang babaeng kasama bago umalis at umuwi ng bahay nya. Kaya pala hindi na nya mahanap ito dahil lumipat na ito ng tahanan. Hindi na ang lugar na kinaroroonan nya ngayon ang dating tinitirhan nito. Marahil ay umalis na lamang ito doon upang kalimutan ang masamang nakaraan at magsimula ng panibago. At ito na nga ang nangyari ngayon dahil masaya na itong muli sa piling ng babaeng iyon.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon