CHAPTER 17
Lihim na sinubaybayan ni Helton ang dalawa. May nais syang malaman na hindi nya matuloy kung anu iyon. Basta hindi sya panatag sa presensya ng babaeng iyon.
Lalo pang nabuo ang kanyang hinala habang pinagmasdan ang babae na nakaupo sa bakanteng kahoy na upuan sa labas ng hotel na tila may hinihintay. Mag-isa lamang ito. Medyo agaw-dilim at liwanag na noong mga oras na iyon.
Nilalaro ng mga paa nito ang mga buhangin na nasa paanan ng dalawang paa. Nakikita nya ito habang nakatayo sya sa harap ng salamin na dingding ng kanilang kwarto. Mula roon ay tanaw na tanaw nya ang pamilyar na ikinikilos nito. Iyon ang ginagawa ni Myles noong nabubuhay pa ito kapag niyayaya nya itong mag-out-of-town noon sa kanilang private resort sa Palawan.
Nagsindi sya ng sigarilyo. Iyon naman ang lagi nyang ginagawa kapag may iniisip o kaya ay nababalisa. Nang hindi pa rin nagamot roon ang sarili ay nagpasya na itong gamitin ang naipuslit na cocaine na nakuha nya sa isang kilalang Filipino sa bansa ng Norway.
Dahil makapangyarihan ang kakilala nyang iyon ay nagagawa nitong maipuslit ang mga dala na ipinagbabawal na gamot mula sa Pilipinas na ginagawa ng kumpare nitong isang Koreano.
Kahit alam na alam ng lahat na mahirap makapuslit ng kahit anung illegal sa bansang Norway, ay may nakakagawa pa rin niyon. Sabi nga nila…matatalino ang mga tao lalo pagdating sa mga bagay na kailangan ng kani-kaniyang katawan.
Iyon ang nangyari kay Helton sa mga oras na iyon. Hinahanap ng kanyang katawan ang cocaine kaya hindi nya napigilan ang sarili na hindi gumamit nito sa mga sandaling ito.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...