CHAPTER 13

446 10 1
                                    

CHAPTER 13

SA simbahan….

                  Ilang oras nang naghihintay roon ang mga bisita maging si Matt. Kinakabahan sya at hindi mapakali n asana maayos na makarating roon ang babae.

                 Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal, kinakabahan, pinapawisan ng malamig, nanginginig ang kamay habang hinihintay na darating ang babaeng pakakasalan.

                    

                       “ nandyan na ang bride?” balita sa kanila ng baklang reporter na naroon din sa kasal na iyon.

                              Nakahinga ng maluwag si Matt nang makitang naroon na nga ang bridal car na sinasakyan nito. Mula sa kinatatayuan ay nakita nyang bumaba ito ng sasakyan. Bahagyang sinipat ang sarili at tiniyak na maayos ang kanyang kasuotan na walang bahid ng anumang dumi at kulubot at muling tumingin sa dalaga, na ilang oras na lamang ay magiging asawa na nya.

                        Nagsipagkilos ang mga kasapi sa seremonya. Nag-umpisang tumugtog ang musika para sa wedding march. Naglakad ang dalawang maliliit na batang babae na syang kanilang flower girl at isinabog sa daanan ang mga hawak nitong petals ng rose na nakalagay sa basket.

                      Maging ang kanilang abay, ring bearer ay nag-umpisa ng maglakad at ang pinakahuli ay si Mariel kasama ang ama. Nakangiti si Matt habang pinapanood ang papalapit na babae na suot-suot ang napakagandang gown. Bagay na bagay iyon sa kasintahan na malapit ng maging asawa.

 

                     Tila nagniningning ang paligid, at ang lahat na mata ng taong naroon ay nakapako ang tingin sa naglalakad na si Myles. Maging ang kanyang tunay na magulang ay nakatingin sa kanya. Nang masulyapan nya ito ay ngumiti lamang sya sa dalawa. Sinuklian naman nito ang kanyang ngiti.

                       Kung sya lamang si Myles at nasa kanyang katawan ay siguradong ama nya ang kasama sa  kanyang paglalakad patungo sa altar.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon