CHAPTER 37
Isang katok ang gumising kay Myles mula sa mahimbing na pagkakatulog. Bumangon sya upang pagbuksan kung sinuman iyon. Nakangiti’ng mukha ni Matt ang kanyang nasilayan, nang buksan nya ang pintuan.
“ are you ready?” anito. Saka nya naalala na maaga nga pala sila’ng aalis ngayon upang magtungo sa bahay ng kanyang mga magulang.
“ ay shiiiiiit! Tinanghali na ako ng gising!”
“ okey lang ban a hintayin mo’ko saglit? Bibilisan ko naman eh?”
“ pasensya ka na, madaling araw na kasi ako’ng nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement”
“ okey take your time, bumaba ka nalang kapag tapos ka na”
“ tatawagan ko nalang muna si Mayan upang ipaalam na hindi ako makakadaan sa opisina ngayon”
Pagkaalis ni Matt ay nagmamadaling kumilos si Myles. Halos magkanda-dapa-dapa na sya sa pagmamadali. Ayaw naman nya’ng pag-antayin ng matagal ang lalake. Sya na nga ang sasamahan nito, sya pa ito’ng mabagal kung kumilos.
Nag-aayos na sya ng kanya’ng sarili. Tapos sya’ng maligo kaya nagbibihis na sya.
Napako ang kanyang paningin sa salamin. Pinagmasdan nya ang kanyang sarili, kapag hindi tututol ang magulang ni Mariel sa kanyang binabalak, ay tuluyan na nya’ng maibalik sa dati ang kanyang tunay na pagkatao na kahit katawan iyon ng iba, ay masasabi pa rin na kanya’ng-kanya na, dahil hindi na mukha ni Mariel ang kanyang makikita sa tuwing haharap sya ng salamin.
Huminga sya ng malalim at pumikit. Nanalangin na sana ay maintindihan ng mag-asawang De Guzman ang kanyang mga ninais.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...