CHAPTER 41
Ang pinaplano na isang maliit na handaan ng pamilyang Cabaliero at De Guzman ay nauwi sa malaking handaan. Ginanap ito ngayong araw na ito, apat na araw mula ng makauwi si Myles galing sa America. Hindi kasi pumayag ang kanyang Ama na hindi magkakaroon ng welcome party.
Napag-usapan ng dalawang pamilya na magkakaroon ng party sa tahanan ni Matt at Myles noong araw na dumalaw ang kanyang mga magulang sa kanilang bahay. Hindi nagkasya ang simpleng salo-salo sa kanyang Ama. Wala naman syang magagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ng kanyang ama. Alam nya na masayang-masaya lang ito kaya handa nitong gastusan ang lahat na gastusin para sa kanyang party.
Marami nang tao ang nasa kanilang bakuran. Yung iba ay may hawak na kanya-kanyang wine kahit hindi pa sya pormal na naipakilala. Nasa kwarto si Myles at patapos nang ayusan ng make-up artist na kinuha ni Yolanda para sa kanya.
Sa pinakaunahang mesa ay naroon ang isang babae at tahimik na tumutungga ng wine mula sa hawak na wine glass. Hindi maintindihan kung bakit sya naroon sa lugar na iyon? Isa lang ang alam nya, sinama sya roon ng magulang ng kanyang matalik na kaibigan na matagal nang pumanaw. Sa katunayan, miss na miss na nya ang kaibigan nya’ng iyon kaya hindi nya natanggihan ang anyaya sa kanya ni Arianna kahit pa busy ang kanyang schedule. Tinuring na rin nya’ng magulang ang mga ito dahil hindi naman sya lumaki sa poder ng kanyang mga magulang. Ang mga ito ang nagpadama sa kanya ng pagmamahal ng isang magulang. Noong mawala naman ang kanyang matalik na kaibigan, bumawi sya sa mga magulang nito. Tumayo sya’ng anak sa mga ito upang hindi maramdaman ng mga ito na wala na ang kanilang kaisa-isa, at pinakamamahal na anak. Kahit papaanu, gumaan ang kanyang pakiramdam noon sa pagkawala ni Myles dahil nandyan naman ang mga magulang nito.
Nahulaan nya na mukhang mag-uumpisa na ang party. Nakita nya na umakyat ang Papa ni Myles sa stage kaya nagtataka sya kung bakit ito ang magsisimula ng programa? Di ba dapat kamag-anak ng iwi-welcome ang unang magsasalita? Pero bakit ang Ama ni Myles ang magpapakilala? Naisip nya na baka kamag-anak iyon ng mga ito at dumating galing sa ibang bansa.
Mula sa di kalayuan ay nakita nya si Matt. Mas lalong nangunot ang kanyang noo kung bakit naroon din ito. Kilala din pala ng pamilya ni Myles ang lalakeng iyon. Kakawayan nya sana ito ngunit nahuli na sya dahil nagsalita na ang kanyang Tito Dante, na Ama ni Myles.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...