CHAPTER 25

328 9 0
                                    

CHAPTER 25

                  Upang malaman ang katotohanan ay naisip ni Matt na alamin ang totoo, sa pamamagitan ng pagkausap sa asawa, pagdalaw sa bahay ng mga Cabaliero upang magtanong ng ilang impormasyon tungkol kay Myles noong nabubuhay pa ito.

                  Minsan naman ay inoobserbahan nya ang babae sa mga ginagawa nito at ang huli, ay ang ipatingin ang babae sa Psychiatrist.

                 Ngunit lahat ng sinabi ng asawa sa kanya at sinabi nito sa Psychiatrist ay iisa. Ni katiting na pagbabago roon ay wala. Paulit-ulit, binabaliktad ang tanong ngunit iisa ang sagot. Mas lalong naguluhan si Matt.

                   Ngunit hindi sya umalis sa tabi ng asawa. Inalagaan nya ito dahil alam nya na mas higit syang kailangan nito ngayon.

                  Tulad na lamang ngayong araw na ito, magkasama silang nagpunta sa bahay ng mga Cabaliero na sinasabing tunay nitong mga magulang, ayon sa kagustuhan ng babae.

                    Maagang umuwi si Matt galing opisina, matapos gawin ang mga kailangang matapos ngayong araw na ito.

                  Tuwang-tuwa si Myles na sumalubong sa kanya nang makarating sya ng bahay.

                 “ Punta na tayo kina mommy?”

                 “ tingnan mo oh? Nakabihis na ako?” pagmamalaki pa nito sa suot na bestida.

                 “bagay ba  sa akin?”

               “ Oo naman, ang ganda-ganda kaya ng asawa ko?” aniya sabay halik sa noo nito habang nakayakap sa beywang ng asawa.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon