CHAPTER 45

218 7 0
                                    

CHAPTER 45

             Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Matt na naging dahilan upang mahulog si Helton sa kama at bumagsak sa sahig. Nang makitang wala pa’ng malay ang lalake ay dali-dali nya’ng pinakawalan si Myles at tinulungan na maisuot ang damit nito.

            “ Matt, salamat sa Diyos buhay ka!” tanging nasambit ni Myles nang makita ang lalake kasabay ang mahigpit na yakap.

           “ kelangan na natin’g makaalis dito” anito at agad-agad na inalalayan ang babae palabas ng pinto.

               Malapit na sila sa gate nang marinig ang boses ni Helton mula sa kanilang likuran. “ akala nyo ba makakatakas pa kayo rito? Mamamatay na kayo rito, at ikaw Matt, dahil sa pangingialam mo dyan sa babae na  yan….kalilimutan ko ang pinagsamahan natin’g dalawa! Kelangan mo na rin mamatay!”

             “ Helton Miranda, napapalibutan na namin  kayo! Sumuko ka na!” boses mula kay SPO4 Romualdo Baltazar na nasa labas ng gusali na kinaroroonan nila. Ngunit imbes na matakot si Helton, nakangiti pa itong nakatingin kina Myles at Matt.

              “ pabayaan mo na kami Ton, sumuko ka na lamang ng maayos, magiging maayos din ang lahat!”

              “ hindi! Tatapusin natin dito ang lahat!” paninindigan ni Helton kasabay ang mabilis pagkilos palapit kay Myles, ngunit bago nito nahawakan ang dalaga, sunud-sunod na putok ang kanilang narinig kasabay ang biglang pagsulpot ng bataan ni Helton.

           “ Boss, tara na! napapalibutan na tayo ng mga Pulis” anito sabay takbo palayo sa kanila.

           “ isa kang gunggong, bumalik ka rito!”

              Sumunod naman ang lalake kay Helton at ginawa ang gusto nitong mangyari. Agad nitong hinatak si Myles kaya napasigaw ang babae.

               “ Bitiwan mo ako! walang hiya ka, bitiwan mo ako!”

             “ Tooooon… pakawalan mo si Myles!”

             Hahabulin sana ni Matt sina Myles at Helton ngunit hinarangan sya ng tauhan ni Helton at tinutukan ng baril.Kaya wala sya’ng nagawa kundi nag-isip na lamang ng paraan kung paanu mailigtas ang babae.

             “ Sir, okey lang po ba kayo?” tanong sa kanya ni SPO4 Baltazar .

              “ kelangan natin iligtas si Myles, dinala sya ni Helton”

              “ okey Sir, kami na  po bahala!”

              “ men? Lets go!”

              “ sasama ako sa inyo”

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon