CHAPTER 43

323 7 0
                                    

CHAPTER 43

              Isang napakalamig na tubig ang ibinuhos sa katawan ni Matt na naging sanhi kaya sya nagising. Naramdaman nya ang labis na pananakit ng kanyang buong katawan sanhi ng maraming suntok, sipa at tadyak na kanyang inabot mula sa mga armadong kalalakehan na nasa kanyang harapan ngayon.

                    Tila mga alagad ng demonyo ang mga ito sa paningin nya na patuloy sa paghalakhak dahil sa nakamit na tagumpay.

                   “ gising ka na  pala Prinsipe ng kabiguan!?” pangangasar na sabi ng isa roon na sinabayan ng malakas na halakhak.

                 “ ihanda mo na ang iyong sarili at malapit nang dumating si Boss!” sabat pa ng isa.

                   Halos wala nang lakas na natira sa kanyang pagkatao dahil sa malupit na sinapit sa kamay ng mga ito. Ang huli nya’ng naalala ay pinuntahan nila si Helton sa isang lugar na sinabi nito na walang kasamang mga Pulis ayon sa kagustuhan ng lalake. Tinakot kasi sila nito na kapag nagsumbong sila sa mga Pulis ay papatayin nila ang ama ni Mariel. Wala sila’ng balak ni Myles na ipahamak ang matanda.

                 Nagmamadali silang umalis ng bahay nang matanggap ang tawag na iyon at pinuntahan si Helton, ngunit sadyang tuso ang lalake. Hindi nila ito nakita roon at sa halip ay puro mga armadong kalalakehan ang kanilang nadatnan. Dahil sa hindi pagsunod ni Helton sa kanilang usapan na kanilang mababawi ang ama ni Mariel ay nakipagsapalaran si Matt na lumaban upang mailigtas ang kanilang buhay. Ngunit sa kasamaang palad ay natalo sila. Anu nga ba ang kanilang magiging laban sa mga armadong kalalakehan  na ito, na mga utusan ni Helton. Ni minsan sa kanyang buhay ay hindi nya naisip na malagay sya sa ganitong sitwasyon.

               Inilinga nya ang kanyang mga mata sa paligid. Hinanap nya si Myles ngunit hindi nya ito nakita. Sunud-sunod na kaba ang kanyang naramdaman. Halos pumutok ang kanyang dibdib sa labis na pag-aalala sa dalaga.

               “ nasaan na ito?”

               “ buhay pa kaya sya?”

               “ ano ang ginawa nila sa kanya?”

               “ Diyos ko tulungan mo kami, wag mo kami’ng pababayaan! Sana buhay pa sya!” sunud-sunod na katanungan sa isipan ni Matt.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon