CHAPTER 23

331 7 0
                                    

CHAPTER 23

                     NAGING mas maalaga si Matt sa kanyang asawa. Ibinigay nya ang lahat na pangangailangan nito at hindi nya ito hinahayaang kumilos sa loob ng bahay.

                     Regular din nya itong sinasamahan sa mga check-up nito sa ospital at maging ang kanyang trabaho sa opisina ay hindi na nya gaanung pinapansin.

                    Tuwing hapon na lamang sya dumadalaw sa opisina upang pirmahan ang mga dokumentong dapat na pirmahan nya. Ginagawa lamang nya iyon kapag tulog si Myles, at umuuwi din sya kaagad ng bahay kapag nakatanggap ng tawag sa asawa.

MAKALIPAS ang apat na buwan…

                 Bakat na ang tiyan ni Mariel sa mga damit na sinusuot nya. Kelangan na nyang mamili ng damit na pambuntis dahil anumang oras ay lalaki at lalaki na ang kanyang tiyan.

                 Tinitingnan nya ang kanyang sarili sa salamin habang himas-himas ang kanyang tiyan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita nya ang aparasyon ni Mariel sa harap ng salamin na nasa kanyang likuran.

               Nakatingin sa kanya ang babae ngunit nang kanya itong lingunin ay wala na ito roon. Ang nakita na lamang nya ay ang paggalaw ng kurtina kahit wala namang hangin sa loob ng kwarto nilang mag-asawa.

                  Sa tuwing nagpaparamdam si Mariel ay may lagi itong pinapaalala sa kanya na hindi naman nya agad na maintindihan kung anu iyon. Nag-isip sya sa pagpaparamdam ng babae ngunit wala naman syang maisip sa mga oras na iyon.

                Gaya ng ipinangako ng babae sa kanya noon ay ang magiging guardian angel na ito na tinutupad naman nito.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon