CHAPTER 40

307 12 0
                                    

CHAPTER 40

  

DALAWANG LINGGO ANG LUMIPAS…..

                  Natapos sa araw na ito ang lahat ng check-up kay Myles, kaya bukas na bukas ay makakauwi na sila ng Pilipinas. Excited na sya sa kanyang pag-uwi. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Matt kapag nagkita silang dalawa? Mababawasan ba o madadagdagan ang pagmamahal na nararamdaman nito sa kanya ngayong hindi na sya si Mariel?

                 Ang isiping iyon ang hindi nagpatulog kay Myles sa loob ng ilang araw matapos ang kanyang successful operation.

KINABUKASAN……

               Alas Dos ng hapon ang kanilang flight pauwi ng Maynila ngunit Alas Dose pa lang ay nasa airport na ang tatlo. Dito na rin sila kumain sa airport habang hinihintay ang kanilang flight.

               Walang alam si Matt na ngayon na sila uuwi dahil sinabi nya sa lalake na may ilang test pang gagawin sa kanya upang masiguro na maayos ang ginawa sa kanyang mukha. Ngunit ang lahat ng test na iyon ay natapos ng lahat kahapon at safe na sya’ng ni-release ng tuluyan ng kanyang Doctor.

              “ parang kinakabahan ka yata?” tanong sa kanya ni Yolanda

            “ nako Mommy, talagang Mommy na Mommy ko na po kayo, nararamdaman mo kasi ang naramdaman ko”

            “ excited na  po kasi ako’ng makarating ng Pilipinas”

            “ wag ka na masyadong kabahan, makakarating din tayo doon”

              Matapos ang ilang oras na paghihintay ay nasa loob na sila ngayon ng eroplano. Ilang minuto na lamang ay lilipad na sila at ilang oras na lamang  ang kanyang hihintayin, nasa Pilipinas na sila.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon