CHAPTER 47

255 7 0
                                    

CHAPTER 47

                Naglalakad si Matt ngayon sa isang lugar na napapaligiran ng maraming bulaklak. Kaysarap sa ilong ang amoy ng mga ito na napakabango. Hindi nya alam kung nasaan sya sapagkat ngayon lamang sya nakarating sa lugar na iyon, ni hindi nga nya alam kung papaanu sya napadpad dito. Ngunit imbes na mag-isip, ini-enjoy lamang nya ang sandaling iyon na maglakad-lakad sa isang napakagandang lugar na may magandang tanawin at malamig ang ihip ng hangin.

                    Sa umpisa ay tahimik lamang sya’ng naglalakad. Ngunit sa kanyang bawat hakbang ay alam nya na palayo na sya ng palayo ni hindi nya alam kung paanu bumalik. Ngunit imbes na mag-alala, naramdaman nya na tila wala sya’ng pakialam sa mangyayari kung makakabalik pa sya o hindi.

                Sa kanyang paglalakad ay nakakita sya ng kumpulan ng mga kalalakihan at kababaihan na nagtatawanan. Kilala nya ang ilan sa mga ito kaya tinawag nya ito sa kanilang pangalan ngunit nagtataka sya kung bakit hindi sya nito pinapansin. Ilang ulit nya’ng tinawag ang mga ito ngunit walang pumapansin sa kanya ni isa.

              “ anung nangyari? Galit ba sila sakin? Wala naman ako’ng natatandaan na may ginawa ako’ng mali sa kanila? Di bale na nga lang… baka sa susunod na magkita kami, papansinin na nila ako” giit nya sa kanyang sarili habang patuloy sa paglalakad.

               Hindi na nya napansin kung gaano na kalayo ang kanyang nilalakbay ngunit nagtataka sya kung bakit, hindi sya nakaramdam ng pagod, ni kahit konting uhaw at gutom wala sya’ng naramdaman.

              “ aba ayos? Kakaiba ito ah? “ aniya sabay ngiti. Nagpatuloy sa kanyang paghakbang habang ang mga kamay ay humahawak ng bahagya sa mga malulusog na bulaklak na nakaharang sa kanyang dinaraanan.

             Mga ilang hakbang ang layo mula sa kanyang kinaroroonan, ay may nakita sya’ng babae na pamilyar sa kanya. Kahit nakatalikod ito,kilala nya kung sino ito. Matagal din nya’ng nakasama ang babae bago sila maghiwalay kaya hindi sya pwedeng magkamali. Nakangiti sya’ng binati ito.

                “ hello?” pangunguna nya.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon