CHAPTER 10
Sinuri muna ni Doc. Bartolome si Mariel, nang mapag-alaman na maayos na ang kalagayan ng dalaga ay nagpasya na sya na i-release ito.
Inuwi sya nga kanyang mga magulang kasama si Matthew. Pinaghalong takot at tuwa ang nadarama ng kanyang kasambahay dahil naibalita na sa mga ito na patay na sya. Mamula-mula pa ang mga mata ni Manang Isabel na halatang galing sa pag-iyak nang madatnan nila.
“ Maam, salamat sa Diyos at buhay po kayo” anito sabay yakap sa kanya na dinaluhan naman ng dalaga. Ayaw nyang ipahalata sa mga ito na hindi naman talaga nya kilala ang babaeng yumayakap sa kanya ngayon.
Hindi pa oras na malaman ni Matt ang katotohanan tungkol sa kanya dahil nasisiguro nyang mabibigla ito. May tamang panahon upang sabihin nya ang buong pangyayari rito. At sa mga oras na iyon sana hindi sya nito kamuhian sa ginawa nyang pagtatago ng kanyang pagkatao rito.
“ anu ang nararamdaman mo ngayon, wala bang sumakit sayo?”
“ okey na ako, sabi nga ni Doc, maayos na ang kalagayan ko di ba?”
Tumango lamang ang binata sa kanyang sinabi at panay ang yakap sa kanya, ngunit may napansing kakaiba si Matt sa kasintahan. Nag-iba kasi ang kilos at boses nito. Naisip nya na baka epekto lang ito sa nangyari kanina kaya binabalewala nalang nya iyon.
Bilang magulang naman ni Mariel ay hindi din iyon nakaligtas sa ina ni Mariel, kilala nya ang anak, bawat kilos, galaw at pananalita nito ay alam na alam ni Misis De Guzman, napansin din iyon ng ama ni Mariel. Bawat haplos at yakap nya sa anak ay tila may kakaibang naganap na hindi nya matukoy kung anu. Iba ang klase ng pagkayakap nito sa kanya kani-kanina lang. Kung hindi lamang nila nakikita ang mukha ng dalaga ay masasabing hindi si Mariel ang kausap nila. Pabiro si Mariel kung magsalita, palibhasa nag-iisa kaya lumaking pilya. Laging pautos ang bawat sinasabi ngunit ang Mariel na kaharap nila ngayon ay malambing at malumanay magsalita, mahinhin ang kilos at seryoso ang mukha na hindi katulad ng una.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...