CHAPTER 5

635 16 0
                                    

CHAPTER 5

                          Isang dinner invitation ang natanggap ni Matt noong araw na iyon nang makarating sya sa kanyang opisina. Inabot iyon ng kanyang sekretarya sa kanya. Galing raw iyon sa isang kliyente nila kaya kelangan na puntahan nya. Tumango lamang sya sa sinabi nito na ginantihan naman ng mapanuring ngiti ng kaharap bago ito lumabas ng opisina nya.

                       Binuksan nya ang maliit na sobre at sinipat ang laman niyon. Para nga ito sa kanya.

                 “ sino naman kaya ang kliyente na iyon at talagang pinaghandaan pa ang ganitong klaseng dinner invitation” nasa isip nya.

                Mula sa maghapon na trabaho sa opisina ay halos nahapo sa pagod si Matt. Nawala na nga sa isip nya ang invitation ng kliyente kung hindi pa ito pinaalala sa kanya ng kanyang sekretarya.

                Tumayo sya at iniwan ang mga papeles sa mesa. Bahala na si Mayan doon. Ganoon naman lagi ang ginagawa nya kapag kinapos  na sya sa oras. Tumingin sya sa suot na relo, alas otso na ng gabi. Yun din ang nakalagay na oras sa kanyang invitation card. Magdadahilan na lamang sya sa kliyente na na-late sya ng dating.

                  Nang makarating sa parking lot ay dali-daling sumakay si Matt sa kanyang nakaparadang kotse, pinaandar at agarang umalis.

                   Buti na lamang at nakisama ang kanyang dinadaanan. Wala gaanung trapik. Hindi sya na-stock ng matagal na mag-antay na dumaloy muli ang mga sasakyan na kasabayan nya.

                     Ilang minutong byahe ay tanaw na tanaw na nya ang kanyang pupuntahan. Malapit na sya kaya mas lalong naramdaman nya ang kaba ng palapit ng palapit na sya sa lugar. Hindi nya maintindihan ang kaba na naramdaman noong mga sandaling iyon. Excited sya, kaya sunod-sunod ang paghinga nya ng malalim.

                      Nasa tapat na sya ng isang kilalang restaurant sa bandang Makati. Ipinarada nya ang sasakyan at mabilis na bumaba doon. Sinalubong sya ng isa sa mga receptionist at inalalayan sya papunta sa mesa na nakahanda para sa kanya, ngunit wala pa roon ang kliyente na sinasabi ni Mayan.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon