CHAPTER 2

982 29 1
                                    

CHAPTER 2

                             

                              Sa isang kisap-mata ay naroon na sya kaagad sa lugar ng kaparusahan. Umpisa na ng kanyang paghihirap. Sa malawak na apoy ay naririnig nya ang napakaraming boses ng mga kaluluwa na humihingi ng tulong. Ngunit kahit anung pagsigaw at paghingi ng tulong ay walang makakatulong sa mga ito, maging sa kanya.

                             Nang ihinulog sya  ni Lucifer sa nagbabagang apoy ay napasigaw sya sa sobrang init. Halos mapunit ang buo nyang katawan. Natawag nya ang pangalan ng kanyang mga magulang. Hanggang kelan nya ito mararanasan. Patuloy lamang si Lucifer sa malakas na pagtawa habang pinagmamasdan ang kanyang mga alagad. Nakakakilabot na pagtawa kasabay ang nakagigimbal nitong pagmumukha. Tumingala sya at nanalangin na nawa'y malagpasan nya ang bawat araw na magdaraan.

                           

                              Mula sa unang araw ni Myles sa Impyerno, hanggang sa mga panahon na ito ay naranasan na nya ang iba't-ibang uri ng paghihirap, ng kanyang kaluluwa. Katumbas ng tatlong taon sa mundo ng mga buhay ang itinagal nya roon. Lumalangoy sa malawak na apoy, sumisigaw, at nagmamakaawa. Hanggang sa araw na ang pagmamakaawa, ay nawala na sa kanyang kaluluwa. Mas lalo lamang nya'ng mararamdaman ang sakit kapag patuloy nya iyong ginagawa. Naging manhid ang kanyang kaluluwa at nawalan na ng pag-asa.

                             Halos siksihan na sila sa lugar na iyon. Para silang mga sardinas na sinalansan upang magkasya sa lagayan. Napakarami pala ng mga tao sa lupa na pinili ang gumawa ng kamalian kaysa kabutihan. Halos araw-araw may sinusundo si Lucifer katulad na nga lang ngayon. Isang babae ang itinapon sa kanyang kinaroroonan. Nagsisisigaw ito nang maramdaman ang hapdi sa katawan dahil sa sobrang init.

                            “ kahit anung sigaw mo ay walang tutulong sayo” aniya

                          “ sino ka? Bakit ka rin nandito?”

                          “ katulad mo, napakarami ko ring kasalanan noon sa lupa, nung nabubuhay pa ako”

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon