Royal Critic Work by: EpicBladez (Frost)
Story : Journey to Another World
Written by : @freed1439
⚜️TITLE :Journey to Another World
Hindi siya masyadong catchy kasi napakatipikal lang nung mga salita. Yung tipong mapapasabi ka na "oh tapos?" ganun yung una kong naisip nang mabasa ko yung title. Ganun din yung isang kakilala ko na mahilig magbasa sa wattpad.
Para bang may kulang sa pamagat ng storya mo. Mas ganda kung magiisip ka ng ibang title na mas babagay sa istorya o kaya naman ay magdagdag ka ng ilang salitang mas makakapangakit ng atensyon sa mga mambabasa.
⚜️BOOK COVER :
Maganda ang pagkakakagawa sa book cover, yung font style at color ay bumagay. But the only thing that I think was wrong is the color of the character's clothes and the background blends with each other.
Gawin mong magkaiba o magkasalungat ito gaya ng white and black para mapansin parehas hindi yung character o yung background lamang ang mapapansin dahil naghalo na sila ng kulay.
⚜️DESCRIPTION :
Huwag mo masyadong ibigay ang lahat ng impormasyon sa description kasi mawawala na yung mga surprises sa story mo. Mas maganda kung parang magbibigay ka lang ng clue at bago nila mabasa yung prologue magiiwan ka muna ng ilang katanungan sa kanilang isipan. Gaya ng paano? ano? bakit?
⚜️BOOK CONTENT :
Aking nagustuhan kung paano mo ipinakilala ang mga tauhan sa istorya. Ngunit huwag mong gawing taglish ang lengwahe nito dahil magmumukha itong jeje sa paningin ng mga mambabasa.
Mas maganda kung gawin mo itong purong tagalog at iparamdam mo ang emosyon sa bawat pangunusap na iyong isinusulat. Pero kung hindi talaga maiiwasan ang paggamit ng mga salitang ingles ay gawin mo na lamang itong italic para maintindihan na ito ay salitang ingles.
⚜️DIALOGUE :
Ang napansin ko naman sa dialogo mo ay halos wala itong laman yung tipong parang nagisip ka lang ng sasabihin ng tauhan at hindi mo na inisip kung may laman ba ito o wala. Gawin mo ring malalalim ang salita nito dahil kung ang storya mo ay nasa ibang dimensyon dapat iba sila magsalita.
Hindi dapat sila nagsasalita ng ingles dahil nasa ibang dimensyon sila at dito lamang yung may salitang ingles para naman maipagkumpara ang pananalita ng ibang dimensyon sa ating mundo. Kasi lalabas yun na parang tao lamang sila na may kapangyarihan pero katulad din natin sila, make them unique kumbaga.
⚜️CHARACTERS :
Okay so yung sa first five chapters sa story madali mong naipakilala yung bida. May pagkamadrama yung bida at the same time medyo makulit din. Yung mga kaibigan niya ay mga mahaharot at makukulit din. Pero gaya nga ng sabi ko mas mapapalabas mo yung tunay nilang pagkatao kung may laman sila magsalita.
Iparamdam mo talaga kung galit, malungkot, masaya o natatakot sila. Isipin mong ikaw yung nasa sitwasyon nila at kung anong mararamdaman mo pagkatapos ay isulat mo ang nasa isipan mo.
⚜️TECHNICALITIES :
So ito na ang mga kamaliang mga nakita ko, sa grammar at mga typos. Una yung paggamit mo ng ganitong simbol kapag ingles ang salita (' '). Iwasan mong gumamit ng ganiyan at gawin mo na lamang na italic dahil pangit tignan kapag puro ' ' ang lahat ng salitang ingles.
Pangalawa, may mga salitang hindi tama. Halimbawa ay :
Nung na dapat ay noong
Sakopin na dapat ay sakupin
Linulusob na dapat ay nilulusob
Kundi na dapat ay kun'di/kung hindi
Sapol na dapat ay sapul
Alan na dapat ay alamPangatlo, huwag na huwag kang gagamit ng sound effects sa paggawa ng isang istorya. Gaya nito. (BLAGG!!!) Maari mo naman kasing gawin salita imbis na magsound effect ka nang nabangga gawin mo itong pangungusap. (Sa paglalakad ay nabangga sa isang puno at mabilis na napaupo. Napakasakit ng aking ulo sa pagbangga ko dito.)
Pang-apat, ito naman ang mga kamalian mo sa pangungusap.
*Nagsimula na akong maglakad sa papuntang 'school' namin.
Mas maganda siyang tignan kung ganito ang iyong gagawin.
*Nagsimula na akong maglakad patungo sa aming paaralan.
...*Pero ang kanilang totoong paka'y ay kumidnap ng mga babae at lalaki na may busilak na puso.
To
* Pero ang kanilang totoong paka'y pala ay humuli ng mga babae't lalaki na may busilak na puso.
Nakita mo kung paano ko nilagyan ng ibang salita ang mga kulang sa pangungusap? May kulang kasi sa pangungusap kaya kailangang dagdagan at yung kumidnap naman ay palitan mo nang humuli para hindi mahaluan ng ingles ang pangungusap. Dapat tagalog o malalalim na salita ang iyong gagamitin para maging isang pormal ang iyong istorya.
⚜️WRITING SKILLS:
Kung irarate ko ang writing skills mo from 1 to 10 sa tingin ko ay 5. Medyo nagsisimula palang kasing madevelop ang iyong skill sa pagiging manunulat kaya napakaraming pagkakamali pero kung matuturuan ng tama at maisasanay ay gagaling ka.
IMPORTANT NOTE : Kapag po nagpacritic kayo sana po ay iapply niyo po ito sa storya niyo sapagkat mababaliwala lamang po ang hirap ng isang critic kung hindi mo naman pala gagawin o babaguhin ang naka saad sa critique nito.
Message:
Sana magustuhan mo ang pagcritic ko sa iyong istorya at sayo. Paumanhin kung medyo naoffend kita sa mga masasakit na nasabi ko pero wala namang gumagaling kung puro positibo lamang ang sasabihin at dapat ay balanse lamang upang gumaling at gumanda ang iyong talento sa pagsusulat.
BINABASA MO ANG
The Queen's Critique Chamber
AléatoireThe Palace's Royal Critics are now ready for service!✨ Status: CLOSED FOR NOW ✔️ BATCH 1: COMPLETED BATCH 2: COMPLETED BATCH 3: COMPLETED BATCH 4: COMPLETED BATCH 5: CLOSED BATCH 6: PM us for reservations or Admin @coffaesthetic-