⚜️Batch 2: Cursed Days: A Tale of Life and Death

133 30 116
                                    

Royal Critic Work by: Firest_Ice (Frost)
Story : Cursed Days. : A Tale Of Life and Death
Written by : @JHOMZSKiE

IMPORTANT NOTE : Kapag po nagpacritique kayo sana po ay iapply niyo po ito sa storya niyo sapagkat mababaliwala lamang po ang paghihirap ng isang critic kung hindi mo naman pala gagawin o babaguhin ang nakasaad sa critique nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IMPORTANT NOTE : Kapag po nagpacritique kayo sana po ay iapply niyo po ito sa storya niyo sapagkat mababaliwala lamang po ang paghihirap ng isang critic kung hindi mo naman pala gagawin o babaguhin ang nakasaad sa critique nito.

⚜️TITLE :

Cursed Days. : A Tale Of Life and Death

Una sa lahat, masyadong mahaba ang iyong pamagat. At hindi mo kailangang maglagay ng tuldok sa pamagat dahil hindi ito akma o tama. Ang iyong pangalawang pamagat na 'A Tale of Life and Death's ay masyadong mahaba at hindi rin akma rito ang 'A Tale'. Maaaring iwan mo ang 'Life and Death'dahil mas maganda itong pakinggan kapag binasa mo ng buo ang pamagat.

'Cursed Days : Life and Death'

Hindi na rin siya magmumukhang tipikal na babasahin at magiging mas kapanapanabik ang iyong istorya.

⚜️BOOK COVER :

Maganda ang pagkakagawa ng iyong pabalat. Hindi siya masakit sa mata at hindi rin nakakaboring kung titignan. Nakadagdag ng atraskyon rin ang uwak na nasa kanang bahagi sa itaas.

Maaring ito ang gawin mong pabalat kapag naipublish mo na ang iyong gawa bilang libro. Pakibago na nga lang ang pamagat na naroroon kagaya ng sinabi ko kanina.

⚜️DESCRIPTION :

Isa sa kamalian ng mga manunulat ay ang paglalagay ng mga kung ano ano sa kanilang istorya kagaya noong 'don't forget to vote and comment.' Hindi mo dapat iyon inilakagay sa iyong description o storya sapagkat nasa mga mababasa ito kung gusto nilang iboto at magkomento sa iyong istorya.

Minsan nagmumukhang vote at comment ang mga manunulat kung palaging may ganito sa kanilang mga kabanata. Yun lamang ang aking nakita na kamalin sa iyong description.

⚜️PROLOGUE :

Hijdi ko alam kung nasaan ang prologue sa iyong istorya pero sa tingin ko ay ito ang Chapter N. Masyadong mahaba ang iyong prologue, hindi mo dapat isinasalaysay ang mga impormasyon sa prologue sapagkat iyon ang dapat nilang abangan.

Dapat para bang introduction lamang ito ng storya at hindi napakadami. Nakakaboring rin kasi kapag masyadong marami ang nakapaloob sa prologue. At panigurado ay may mga mambabasa na mag skip reading sa iyong istorya.

Maganda rin kung magiiwan ka ng mga palisipan sa bawat kabanata ng kwento. 

⚜️BOOK CONTENT :

Magaling! Hindi man ganoon ka pulido ang kwento ay maganda itong simula para sa isang manunulat kagaya mo. Kahit na hindi siya masyadong nakakakilabot ay may laman naman ito. Hindi ko nga lang maintindihan kung saang genre ba ito napapabilang.

Ngunit sa palagay ko ay napapabilang ito sa mystery/thriller na genre sapagkat maraming misteryo at mga katanungan ang papasok sa iyong isipan kapag nabasa mo ito. Iwasan rin na gumamit ng mga parang salotang kalye na mga salita kagaya ng 'mema'.

Tandaan istorya/kwento ito, at hindi ka lamang nagkwekwento sa mga tambay sa labas ng inyong bahay. Isinasalaysay mo ito sa iba't ibang mambabasa sa buong pilipinas. Maging pormal sa bawat pangungusap na iyong ilalathala.

⚜️CHARACTERS:

Walang buhay promise, hindi ko feel yung emotions nila. Masyadong scripted yung sinasabi nila, para bang isang tanong isang sagot rin. Ganun!

Mas maganda na bigyan mo ng buhay o laman ang bawat sinasambit ng tauhan. Dito kasi nabubuo ang totoong essence ng kwento, kumbaga kung walang buhay wala ring saysay ang kwento.

Umisip ka rin ng mga nakakaenganyong salita na akma sa bawat sinasabi nila. Hindi ko sinabi na lagyan mo ng kung anu-ano ang pagsasalitanila ha, ang ibig kong sabihin ay bigyan mo ba ng pampalasa para makakuha ng atkrasyon sa mga mambabasa.

⚜️DIALOGUES :

Napakagulo ng iyong transition sa paggawa ng dialogue, hindi ko mawari kung sino ang nagsasalaysay ng mga pangungusap. Hindi ko rin tuloy malaman kung sino ang naguusap kapag marami na ang mga karakter na naguusap sa kwento.

Maaaring ilagay mo kung sino ang nagsabi ng mga pangungusap.

Halimbawa :

"Hello! Ang pangalan ko ay anika." Ang sabi nito sa akin at napa-tango na lamang ako.  (Ito ay gawa-gawa ko lamang na halimbawa)

Mas mabibigyang buhay kasi nito ang kwento at mas lalong magaganahan ang mga mambabasa, maaari ring hindi na nila basahin ang kwento dahil magulo ito.

⚜️TECHNICALITIES :

Medyo marami ang mga nahanap kong kamalian sa iyong istorya. Una, hindi mo kailangang ilagay yung mga tunog ng kung ano-ano man gaya ng 'pft' para sa pagtawa o paghagikgik.

Maari mo naman itong isulat na natatawa ang isang tao o ang mismong nagsasalaysay. Gaya ng sinabi ko noong una iwasan ang paglalagay ng mga salitang gawa-gawa lang naman talaga.

Pangalawa, huwag ring damihan ang words sa bawat kabanata, magiging boring ito at maraming mambabasa ang magskip-reading o ang pagpili ng mga kabanatang kanilang gustong basahin dahil sa haba nito. O kung minsan ay ang dialogo na lamang ang kanilang babasahin at wala na silang pakialam sa iba.

Pangatlo, maglagay ng point of view ng mga nagsasalaysay sapagkat hindi naman manghuhula ang mga mambabasa upang hulaan kung sino ba ang nagsasalaysay ng istorya.

Pang-apat, huwag gawing malalaking letra ang bawat unang salita sa kabanata. Ang pangit tignan at kung itong ganitong uri ng pagsusulat ay nakuha mo sa ibang kwento pakiusap huwag nang gayahin ang pagkakamali ng iba.

Halimbawa :

"NAGLALAKAD kami palabas ng school ngayon."

Mas maganda kung ganito...

"Naglalakad kami palabas ng school."

At panglima huwag masyadong ulit-ulitin ang mga salita na ginagamit sa pangungusap.

Halimbawa

"Pagkatapos naming kumain ay gumawa na ako ng aking aralin at pagkatapos ay nagsaing na ako."

Kapag ginagfamit mo ang pagkatapos na salita ay ibig sabihin nito patapos na, at kailangan talaga tapos na. Hindi mo pwedeng sabihin ito ng dalawang bese, masyadong paulit-ulit, pumapangit na ang pangungusap.

⚜️WRITING SKILLS :

Maraming mga pagkakamali akong nakita ngunit hindi naman iyon ganoon kalaki. Ang problema mo lang ay ang paggamit talaga ng mga salitang kalye gaya ng mema. Magtutunog jejemon kasi siya kung hahaluan mo ng ganoon.

Nakakaasiwa tignan at hindi na pormal, kumabaga imbis na ang magiging pokus mo ay sa istorya doon mapapako ang paningin mo sa mga salitang iyon. Hindi rin naman kasi ito text messages na kahit na anong sabihin mo ay pwede mong sabihin.

P.S.

Sana magustuhan mo ang pagcritique ko sa iyong istorya. Paumanhin kung medyo naoffend kita sa mga masasakit na nasabi ko pero wala namang gumagaling kung puro positibo lamang ang sasabihin dapat balanse lamang upang gumaling at gumanda ang iyong pagsusulat.

The Queen's Critique ChamberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon