⚜️Batch 2: Your My ***: Jeondorl Kandungan

74 21 5
                                    

Royal Critique Work by @GhostForReal / Royal Critic Lyn
Story: YMFM: Jeondorl Kandungan
Written by: ZIRAriz

Note: marami akong pinansin at pinagsikapan ko talagang bigyan ka ng critique na makakatulong sa iyo since sabi mo ay di ka pa nakakapag-edit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: marami akong pinansin at pinagsikapan ko talagang bigyan ka ng critique na makakatulong sa iyo since sabi mo ay di ka pa nakakapag-edit.

TITLE

Ang haba po no'ng title mo. 'You're my fucking Moan' is too long. Since SPG and understood na may foul words, I suggest po okay na ang 'Fucking Moan'. Kasi lalagyan mo pa po siya ng series 01 at iyong mismong title.

But I like the "Jeondorl Kandungan". Tho it's a name, it appears like it is double meaning.

Overall, okay naman ang title and it's unique. Just make sure na mapapanindigan mo ito.

BOOKCOVER

I suggest you change the book cover. Ito po kasi ang unang tinitingnan ng readers. Puro words lang kasi yung nasa cover mo and honestly, magulo tingnan. If gusto mo talaga typography ang style, linisin na lang po yung pagkakalagay. Like, maliit lang po dapat yung YMFM Series 01. Since ang pinakang title naman po ay Jeondorl Kandungan. Pero much better if may picture. Kahit image lang ni Jeondorl mismo. At dahil SPG 'to, panindigan mo na haha. Medyo erotic dapat. Pero okay lang naman kahit hindi, basta fierce and very manly yung gagamitin na pic ni guy.
Try to request in our Royal Graphic Chamber.

DESCRIPTION/BLURB

Wala ka pong Blurb. Ang nilagay mo lang po doon ay phrase lang. Sorry sa pagpuna pero wrong spelling at medyo jeje pa kasi may emoji.

Kailangan mo po maglagay ng Blurb. Mahalaga po ang blurb para magkaroon ng glimpse ang readers sa plot mo. At syempre para din makuha mo ang interes ng madla. Unang titingnan ng readers ang book cover and title. Kasunod na ay ang blurb. Sa dinami dami ng romance, dito mo kailangan ilagay kung anong pinagkaiba ng istorya mo sa kanila. And since ang main title mo dito ay isang pangalan, you have to write in the blurb what makes him special and different among other protagonists out there.

"Revenge VS Love?" Masyado na pong madaming libro ang may temang ganito. Kaya importante talaga ang blurb para clear sa mga readers ang kaibahan ng kwento mo sa ibang storya.

Gusto ko sana mag-suggest pero di pa completed ang story mo kaya I have no idea kung ano ba talaga ang plot. All I know is romance talaga itong story haha.

PROLOGUE

Wala ka din pong prologue. Ang inilagay mo po sa prologue mo ay mga impormasyon lamang. Sa totoo lang ay hindi mo na kailangan ilagay ang mga impormasyon na iyon dahil iyon ay dapat malaman ng readers sa loob ng istorya. Ang mga ganoong impormasyon ay hindi sinasabi lamang bagkus ay ipinapakita sa readers through dialogues and detailed narration. Ni-reveal mo na din doon ang hindi dapat. Mali po ito.

Ang prologue ay nagpapaalam ng konting pangyayari o parte ng eksena sa kabuuan ng kwento. Makikita ito sa isang kabanata ng istorya na matatagpuan paminsan sa gitna o sa malapit na sa katapusan ng kwento.

The Queen's Critique ChamberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon