⚜️Batch 2: JPG

109 37 34
                                    

Royal Critique Work by: msj_jjg31 / Royal Critic Phine
Story: JPG
Written by: @LolChips

Royal Critique Work by: msj_jjg31 / Royal Critic PhineStory: JPGWritten by: @LolChips

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





TITLE:

JPG- Means picture.

Maganda dahil unique, kakaiba.
Hindi lang masyadong malakas ang dating at mahina ang impact sa genre na horror with mystery.

Suggestion- lagyan mo ng subtitle para mas may impact.

Ex.

      JPG
"Don't look"

Pero ito ay opinyon ko lang nasa iyo pa rin ang desisyon.


BOOK COVER:

Napakaganda ang pagkagawa dahil unique. Hindi siya gaanong horror talaga at iyon ang nagpapaiba. Pati ang font na ginamit mo ay bumagay.
Pero ang itsura ng babae sa picture ay normal lang at walang emosyon.
Sa cover pa lang dapat bumagay na sa genre na horror.

Sa totoo lang napakaganda ng effect, ang galing ng pagkagawa. Malinis dahil walang flaws, malinis ang pag blend kaya magandang tingnan.

Iyon nga lang normal lang ang itsura ng babae hindi natatakot at hindi rin naiiyak.

Suggestion- dapat natatakot o naiiyak ang mukha ng babae para bumagay sa horror na genre. At dagdagan mo ng back ground na horror para mas dumagdag sa impact.

Ito ay opinyon ko lang, nasa iyo pa rin ang desisyon.


DESCRIPTION/BLURB:

Maganda dahil naipaliwanag mo na ang kwento. Sa palagay ko wala ka ng dapat baguhin pa. Pero kung may naisip ka pang dagdag misteryo sa description ay dagdagan mo pa. Pero maganda na ito, iyon ay opinyon ko lang.



PROLOGUE:

Wala kang prologue.

Tingin ko mas magandang meron bilang pasilip sa kwento.

Suggestion - Ang prologue na gamitin mo ay ang part ni Syden since siya naman ang bida.

Iyong part na hinila niya ang uod/worm sa kanyang balat na hindi naman pala uod kundi ugat na parte ng kanyang mata.

Part May 8, 2018, 3:20 am.

Dito sa part na ito ay intense kaya gamitan mo ng exclamation point o padamdam para maramdaman at mas dama.
Kapag intense ang eksena gamitan mo ng exclamation point.

Ito po ay opinyon ko lang, nasa iyo pa rin ang desisyon.


BOOK CONTENT:

Napakaganda!

Halos lahat ng chapter ay may halong misteryo, dagdagan pa ng images na horror ang itsura mas lalong nakaka intense at dama ang takot.

Napakaraming twist at mahirap hulaan ang mangyayari. Hindi man siya masyadong nakaatakot pero puno siya ng misteryo kaya naman nagustuhan ko ang kwento.

The Queen's Critique ChamberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon