⚜️Batch 4: Temporarily Trapped

25 8 0
                                    

Royal Critic Work by @VinayaMei
Story: Temporarily Trapped
Written by: @kennethmigo

Royal Critic Work by @VinayaMei Story: Temporarily Trapped Written by: @kennethmigo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE STORY ITSELF. READ. ANALYZE. THANK ME LATER.

TITLE
Temporarily Trapped
•Noong una, akala ko ang atake rito ay romance. Pero nagkamali ako. Hindi ko masasabing unique ang title at catchy. Pero ayos na ito para sa akin. Na-justified ang story na nabasa ko (exposition).
[rate: 4/5]

BOOK COVER
• Isang city at blur na tao sa gitna. Okay naman siya, pero I suggest kung susubukan mo ang graphic shop namin para sa mas appealing na book cover. :)
[rate: 4/5]

DESCRIPTION/BLURB
•Okay, nandoon iyong thought at overview ng kuwento. Pero mas malakas ang naging impact sa akin ng quote. Opinion ko lang naman.

*you are

[suggestion: omit the first paragraph, let the quotation be your story description. Huwag mo na rin isama ang anonymous. XD]
[rate: 3.8/5]

PROLOGUE/INTRODUCTION
•Honestly, nagtatalo ang utak ko kung maico-consider ba itong introduction or prologue. Ang dating kasi sa akin ng intro mo ay background prologue kung saan pinaliwanag kung anong hitsura ng mundong ginagalawan nila at kung anong sistema ang mayroon, then sa dulo, inatake ng tanong.

•Sa intro mo rin, maraming problema pagdating sa usaping teknikal. Though, hindi naman siya gaanong halata pero kung writer ka ay mahahalata mo talaga. Mamaya ko ito iisa-isahin sa technicalities.

[suggestion: tutal ay pagka-sci-fi at fantasy itong kuwento mo, try to be more descriptive. Kung ang balak mong gawin ay background prologue. Mas i-describe mo pa ang hitsura ng lugar na feeling niya ay na-trap siya ro'n. Iyong sistema. Iyong ugali ng mga tao. Iyong pananalita etc. etc. Try to build up your setting in here. Try mo ring magbasa ng mga kuwentong related sa sinusulat mo, para magkaroon ka ng ideya.]
[rate: 3.7/5]

BOOK CONTENT
CHAPTER 1
• Para sa mas epektibong pagkukuwento, try mo munang i-imagine ang sitwasyon na kinasasadlakan ng heroine mo tsaka mo isulat. Para mas dama ang scene. Kasi, maganda ang ideya mo sa scene. Kaya lang, hindi gaanong naipakita nang maayos dahil kulang sa "show". As much as possible, try to use your five senses to build up the atmosphere and the setting. Gaya na lang kunwari ng maraming tao sa Times Square, anong hitsura ng lugar? Bukod sa maraming tao? Gaano ba kaguwapo iyong nakabunggo sa kanya? Anong kulay ng kotse? Anong tatak? Pati iyong nararamdaman ng bida. Ano ba sa tingin mo ang other term sa: nakakahiya? Na may dating? Hal: ngayon pa lang, gusto kong lamunin na akong lupa! Anong hitsura ng uniform nila? Etc. etc.

•Huwag mo ring kalilimutang ilagay ang sarili mo sa sitwasyon, para maging natural ang dating ng dialogue ng characters mo. Know them enough. Give a brief description about them.

CHAPTER 2
•Mapa pala ang papel na binalik sa kanya no'ng lalaki. Anong klaseng mapa ito? Medyo lito pa ako kung ano ang lugar na sinasabi ng auntie na ikinaselos niya dahil nga nakapunta ito ro'n, samantalang siya na-stuck sa lugar. Sana sinabi rin kung anong ginagawa ng scouts. At ano-ano rin iyong mga lugar na pinagsasabi niya? Anong connect? Dapat dito palang nibi-build up na. Isa-isahin mo, masyadong masakit sa ulo kapag isang bagsakan ang impormasyon. Opinyon ko lang ito.

•Gusto ko lang ulitin ito, dahil bumubuo ka ng sarili mong setting na iba sa syudad, ikuwento natin ito nang maayos. Show, don't just tell.

CHAPTER 3
•Describe ang hitsura ng school, ng classroom, brief description ng pinapakilalang characters, hitsura ng cellphone na nasira, mukha ng prof habang nagagalit, reaksyon ng mga estudyante, gaano kaingay, paano mo sasabihin na may iba't ibang mundo ang bawat isa sa kanila? Ganern.

CHAPTERS 4-5
•Hitsura ni Almario. Reaksyon nila nang malamang magpapalit ng class president. Feeling ko, malaki ang gagampanan ng sagot niya sa tanong na kung ano raw ang time para sa kanila. Sana mas ipinakilala mo pa iyon sa magandang eksena. Pero suggestion ko lang ito. :)

OVERALL
•Sabihin nating exposition ang nabasa ko. Ang parte kung saan ipi-flip pa ba ng reader ang next page o hindi na. Nagustuhan ko naman ang pagbibitin mo sa bawat eksena pero para sa akin ay walang impact dahil kinulang tayo sa description. Lagapak tayo ro'n, imbes na magandang bali sana para mas maging hype ang readers at maramdaman ang excitement para sa susunod na chapter, bumababa. Nage-gets mo ba ako? Alam mo, maganda itong concept no'ng kuwento e. May ibubuga. Hindi mo basta-basta mababasa sa kung saan. Sayang, sarap nitong i-edit. Lol.
[rate: 3/5]

DIALOGUE
•Wala pa ring distinction ang dialogue maliban sa bida. Para kasing iisa lang way nang pananalita nilang lahat. Bigay kang brief description sa kanila at isipin mo kung paano mo ba sila gustong magsalita. :)

•Huwag din nating kalilimutan na maglagay ng bantas sa loob ng quotation. P'wedeng tuldok o comma. Alamin din natin ang pinagkaiba ng action at dialogue tags. You know, as a writer, hindi sapat ang sulat lang nang sulat. We should also read to expand our knowledge.
[rate: 3.7/5]

CHARACTERS/POV
•Kahit paulit-ulit na tayo rito, sasabihin ko pa rin. Alamin natin kung sino at ano ang mga characters natin. Kung sakali na hirap ka talaga rito, suggest kong gumawa ka ng character's profile para sa kanila. Promise, makakatulong ito sa 'yo. O kaya ibase mo sila sa tunay na tao, para hindi ka na mahirapan mag-isip.

•Sa POV naman na ginamit, wala akong gaanong problema. Kung focused si writer sa emotion ng bida at makuha ang simpatsya ng readers, then use first person. Pero kung gusto mo nang malawakang description, then use third person.
[rate: 2.5,/5]

TECHNICALITIES
INTRODUCTION
*paggamit
*pag-urong
*nang walang katapusan
*sintaas
*kaulapan
*gobyerno
*kapareho
*"It's a trap."
*makalakad nang maayos
*mapa-paranoid
*p'wede/puwede

REVISED
Isang kasa lang ng baril ay mapapatigal ka. Isang putok lang ay mabibingi ka. Isang tama lang ng bala sa ulo, siguradong patay ka; isang tama naman sa puso ay unti-unti kang mamatay sa sakit.

[lesson 1: ang "nang" ay ginagamit kung ito ay sumasagot sa tanong na gaano at paano; kilos o kapuwa pang-abay. Samalantala ang "ng" naman ay ginagamit sa pangngalan: tao, bagay, pook, etc.]

[lesson 2: ang rin, raw, roon, rito ay ginagamit kung patinig (a, e, i, o, u) o diptonggo (w, y) ang huling letra ng salita. Samanta ang din, daw, doon, dito ay ginagamit kung katinig (b,c,d etc.) ang huling letra ng salita]

[lesson 3: paghiwalayin ang salitang Ingles sa Filipino gamit ang gitling.]

[lesson 4: wala salitang napaka, naka, etc. kaya huwag silang pahiwalayin. Imbes napaka ganda, *napakaganda. Gets?]

•May ilang salita rin na parang pinilit gamitin. Gaya ng: huni ng sasakyan. Marami pa akong nakita pero once na nasa editing phase ka na, I'm sure na mapapansin mo iyon.

[rate: 2.5/5]

WRITING SKILLS
~> You have the skills. May potential ka bilang writer. At maganda ang konsepto ng sinusulat mo. Huwag lang natin kalilimutan ang pinakaimportanteng rule sa pagkukuwento: show, don't tell. Maaari kang mag-research tungkol dito para mas lumawak ang kaalaman mo. :)

[rate: 4/5]

[Overall good side of the story/author: nice concept and the story has the potential (kung may maayos na execution).]

MESSAGE FROM THE CRITIC
First, thank you for choosing! Nasiyahan ako dahil isa ako sa unang nakabasa ng kuwento mo. Pero bakit pakiramdam ko ay matagal ka na rin na nagsusulat at nagsisimula ulit sa umpisa? Haha. Well, kung gano'n man, good luck sa 'yo! Good luck din sa story mo! :)

[overall status of the story: needs improvements and revisions]

The Queen's Critique ChamberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon