Royal Critique Work by @shicekizean
Story: The Bewitcher: Valeria
Written by: @Spiral_Equinox[ TITLE ]
- Wala ka namang dapat baguhin dito. It's good enough at mukhang matched siya sa story mo so... yay! Medyo pocketbook-ish ang datingan niya para sa 'kin, lalo na 'yung sa synopsis kasi deep ang Filipino words!
[ BOOK COVER:
- I LOVE YOUR COVER! Kanino ka nagpagawa? Or did you make this yourself? Ayos ang vibe, font, saka main subject. Good job!
[ BLURB/DESCRIPTION:
- It's just a mere glimpse. Catchy ang datingan. Kung babasahin ko siya, siguro ang maiisip ko lang, isang basic chic lit that tackles about a bitch-y heroine. Pero 'wag mo na siyang palitan. Ish ok.
Sa synopsis, maganda ang narration at medyo nakakapukaw ng atensyon. Bakit medyo? Arte mo naman, author. Dunno, medyo mahaba kasi, pero as you read along the paragraph, more interesting things unfold (ay wow) so it kept me reading!
Ang palitan mo na lang siguro ay 'yung end. Kasi sa tanong mong 'yon at sa mahabang description tungkol sa pagkikita nila ng guy, malalaman agad ng readers na paninindigan niya 'yung desisyon niyang mag-stay sa lalaki. Halata kasing siya 'yung main character. Ako kasi, nahulaan ko agad.
For me, if I were to summarize it, I'll do it like this (this may suck):
[ Matapos ang paghihiwalay ni Valerie sa kanyang kinakasama, napuno na ng galit, sakit, at pighati ang puso niya. Para siyang nabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot sa paligid niya na siyang bumulag dito. Ninais niyang makaahon sa sakit kaya't tinanggap niya ang alok ng isang kaibigang si Olivia na sumali sa isang organisasyong makakatulong sa kanya. Para mahilom ang kanilang mga sugatang puso, ang kanilang ginawa ay mang-agaw ng mga kinakasama ng iba upang maiparamdam ang sakit na naramdaman nila.
Ngunit isang gabi, nakakilala siya ng isang ginoong biglang sumubok na baguhin ang takbo ng isip niya. Naghalo ang init ng kanilang mga katawan, ngunit ang gabing hindi dapat magtagal ay nagtagal, at ang pusong hindi dapat nahulog ay nahulog.
Pilitin man niyang iwasan ang lalaking ito, kahit ano mang liko ang kanyang gawin, ang kanyang destinasyo'y iisa pa rin.
Sa huli'y sinunod niya ang mapang ginawa ng puso niya. Sinundan niya ito, umaasang siya ang gamot sa puso niyang may napakaraming basag—
Ngunit mukhang nagkamali siya. ]
This is just my own version, though! I don't want you to change your whole sypnosis. Siguro summarize mo lang nang kaunti 'yung meeting nila ng guy. Sabihin mo na lang na nagkita sila. Then the consequences.
And end it with a bang.
[ PROLOGUE:
- Ang linis ng prologue mo. Idk pero kahit ang daming italicized na paragraphs, hindi siya masakit sa mata. Siguro kasi dahil sa maayos na structure ng sentences mo. Love it, so keep it up!
BINABASA MO ANG
The Queen's Critique Chamber
RandomThe Palace's Royal Critics are now ready for service!✨ Status: CLOSED FOR NOW ✔️ BATCH 1: COMPLETED BATCH 2: COMPLETED BATCH 3: COMPLETED BATCH 4: COMPLETED BATCH 5: CLOSED BATCH 6: PM us for reservations or Admin @coffaesthetic-