Royal Critic Work by @VinayaMei
Story: The Faded Spark
Written by: ArkitekNikowl
Warning: Medyo masakit ako magsalita dahil ayaw kong nagpapaligoy-ligoy kaya binabalaan kita. Ayaw kong mag-sugarcoat dito pero mag-iingat naman ako sa mga salitang bibitiwan ko dahil alam ko ang pakiramdam nang mapanghinaan ng loob dahil may napuna sa istoryang ginawa ko.TITLE
The Faded Spark
~> I find it unique but not enough to pique my interest. Ewan, hindi ko naramdaman iyong "curiosity" at "excitement" nang nabasa ko ang title. Well, madalas naman ay wala akong pakialam sa title, kasi karamihan ng nagpa-critique sa akin noon, walang dating ang title pero kabog sa content.
[rate: 4/5]
BOOK COVER
~> Simple yet asthetic. Masarap sa mata pero hindi pang-teen fiction ang dating sa akin ng book cover mo.
[rate: 3.5/5]
DESCRIPTION/BLURB
~> This is only a quote not a blurb. Pero, kahit plain, nandoon ang mystery na iiwan sa readers kapag nabasa nila ang description. Pero hindi sapat iyong mystery na gusto mong ibigay para basahin ko ito. (Sorry na, sobrang choosy ko kasi pagdating sa pagpili ng babasahin hahaha)
[note: laging tatandaan na isa ang blurb sa unang tinitingnan ng mambabasa bago basahin ang libro. example na p'wede mong gawin sa story description mo: synopsis, twist, a catchy scene or dialogue.]
[rate: 2/5]
BOOK CONTENT
Warning: Substance at structure ito. Hihimay-himayin ko ang bawat eksena kaya pakihanda ang puso mo. XD
CHAPTER 1
~> Binigay agad ang nakakaantig na eksena. Kilig scene agad pero sayang dahil hindi nabigyan ng hustisya.
*Iwasan ang telling. Imbes na sabihing: nakakakilig, nakakataranta, at nakababaliw. Show it. Describe the feelings. Play with your words. P'wede kang gumamit ng metaphor or idioms para mas may dating ang emosyon. Make your readers feel what your characters feel. Use your creativity. Damhin mo ang eksenang ito.
*Setting. Kasabay ng emosyon, makakatulong din ang atmosphere at setting para ma-build up ang kilig factor na gusto mong ipakita sa chapter na ito.
[suggestion: may nagvi-video sa kanila, kumukuha ng pictures, may naghihiyawan tapos marinig pa siyang, "sagutin mo na, huwag ka nang maging choosy, girl. Si Xander iyan o!" like that dahilan para matawa iyong dalawa. Then dahil nga shock pa siya, biglang sisingit si Xander, "oy, anong sagot mo?" like that. Bago siya dahan-dahang tumango at sabihin iyong matamis niyang "oo". Dahil doon naghiwayan iyong mga tao, tapos narinig niya pang inasar si Xander ng mga teammates nito etc etc.]
BINABASA MO ANG
The Queen's Critique Chamber
RandomThe Palace's Royal Critics are now ready for service!✨ Status: CLOSED FOR NOW ✔️ BATCH 1: COMPLETED BATCH 2: COMPLETED BATCH 3: COMPLETED BATCH 4: COMPLETED BATCH 5: CLOSED BATCH 6: PM us for reservations or Admin @coffaesthetic-