⚜️Batch 2: Truth For Teens

80 20 1
                                    

Royal critique Work by:
msj_jjg31
Story: Truth For Teens
Written by: KCassandraWP625

Royal critique Work by:msj_jjg31Story: Truth For TeensWritten by: KCassandraWP625

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⚜TITLE

Truth For Teens

Iyong pamagat alam agad na tungkol sa mga kabataan.

Maganda pero mahina ang impact bukod pa sa common ang dating nito.

Hindi ko rin makuha kung bakit ito ang title kasi kung iintindihing mabuti ganito ang kalalabasan:

Katotohanan para sa mga kabataan.

Ang dating parang isang libro na parang pang edukasyon at hindi isang kwento.

Kung titingnan mong maigi parang ang laman ng libro ay ang mga katotohanan tungkol sa mga kabataan, sa pag-uugali nila o sa mga ginagawa nila.

Para sa akin ang pamagat ay hindi pang libro na may kwento o fiction.

Mas maganda kung palitan mo ito ng naayon sa storya.

Tungkol saan ba ang storya doon ka dapat bumase ng pamagat.

Since tungkol naman ito sa Mafia dapat ang title ay tungkol din sa mafia.

_Suggestion_

Ex. The Reigning Mafia Queen

Kasi ang main point ay tungkol sa pag-upo ng babae sa kanyang trono bilang reyna ng Mafia at guguluhin para hindi matuloy.

Ito ay opinyon ko lang nasa iyo pa rin ang desisyon kung susundin mo pero dapat palitan mo ng naayon sa kwento.

⚜BOOK COVER
Ang cover mo ay hindi bumagay sa kwento.

Tungkol sa Mafia organization ang storya kaya dapat makikita na agad ito sa cover pa lang.

_Suggestion_

Isang babaeng naka mask ang kalahati ng mukha na nakaupo sa royal chair at may mga nakatayong mga kasamahan niya sa likuran niya na hindi nakamaskara.

Kapag sinunod mo ang title na suggestion ko, ang naka mask na nakaupo sa gitna ay ang magiging queen.

Dapat maangas ang dating kasi kapag sinabing mafia awtomatikong gangster iyan.

Subukan mo ang "The Crown princess graphic chamber" under din sa club na ito.

⚜DESCRIPTION/BLURB

Wala kang blurb.

Hindi blurb ang nilagay mo roon.

Magiging blurb ito o description kung dinagdagan mo pa.

Pero ang nilagay mo sa blurb ay walang dating kumbaga walang impact.

Sa blurb palang dapat makikita na kug tungkol saan ang storya.

Bigyan na ng hint kung tungkol saan dahil diyan malalaman kung maganda ba o hindi ang kwento.

The Queen's Critique ChamberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon