The Palace's Royal Critics are now ready for service!✨
Status: CLOSED FOR NOW ✔️
BATCH 1: COMPLETED
BATCH 2: COMPLETED
BATCH 3: COMPLETED
BATCH 4: COMPLETED
BATCH 5: CLOSED
BATCH 6: PM us for reservations or Admin @coffaesthetic-
Royal critique Work by: msj_jjg31 Story: One Second of Falling Written by: great_prentender016
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
⚜TITLE
-ONE SECOND OF FALLING-
Kakaiba ang pamagat, unique kumbaga at maganda.
Napanindigan din ang title hanggang sa magtapos ang kwento. Hindi nawawala sa passing, iyon ang nakaganda kasi nagawang panindigan ang pamagat.
Maganda ring pakinggan ang "One Second of Falling" parang madali rin tandaan kasi unique.
Nagustuhan ko po ang title niya.
⚜BOOK COVER
Ang cover mo po ay putol ang pagkasulat at dry tingnan.
Silhouette lang din ng babae at lalaki ang nilagay mo.
Dapat sa cover ay nakakahatak ng interes para nakaka engganyo basahin. Dapat sa cover pa lang malakas na ang impact.
Dito kasi makikita kung tungkol saan ang kwento.
Maganda ang concept na nagba-bike ang dalawa since 'yon naman talaga ang madalas ginagawa ng mga characters sa storya kaya nagustuhan ko pati na ang paghawak nila ng kamay parang may kasamang touching effect kumbaga. Kaya lang mas maganda kung talagang makikita ang tao kahit nakatagilid pa, mas maganda kasi kung may kulay ang cover.
May suggestion po ako na pwede kang magpagawa sa isa sa club dito na graphic club ang "The Crown Princess Graphic Chamber" tiyak mas mapapaganda pa ang cover mo.
Maganda ang concept ng cover pero parang dry tingnan.
Try mo lang po baka sakaling magustuhan mo ang gawa nila.
Pero kung ayaw mo ng palitan ang cover kahit ang sulat na lang at ang font dapat buo ang title.
⚜DESCRIPTION/BLURB
Wala pong blurb ng kwento ang storya, ang nilagay mo lang doon ay parang tagline.
Mas maganda kung may description para maintindihan at maunawaan kung tungkol saan ang kwento.
Tungkol saan ba ang kwento hindi ba tungkol sa pagkakaibigan na minahal ang isat-isa ng higit pa?
Pwede ring dagdagan mo lang ang tagline ng description.
- Suggestion -
Mga bata pa lang ay magkakaibigan na sina Harren at Warren ngunit habang nagkakaedad ay unti-unting minahal ni Harren ang kaibigan nang hindi namamalayan hanggang sa tuluyan itong nawala sa kanya.
Ngunit sa pagbabalik nito ay muling nagbalik ang kanyang nararamdaman sa loob lamang ng isang segundo ng muli nilang pagkikita.
Ngunit huli na lang lahat dahil may minamahal na itong iba.