"Ara!" Yumuko pa ako sa ilalim ng lababo para hindi makita ni Nayding. Pilit kong pinipigilan ang hagilgik ko. "Jusko kang bata ka! Kararating palang natin nawawala ka na!" Nahihirapan na akong itago ang hagikgik ko. Imagining her na namumula na sa galit kakahanap sa akin.
"What is it Manang?" Lalo akong nagtago ng marinig si Daddy.
"Hay nako Cesar! Yang anak mo, nakikipaglaro na naman. Abay hindi pa naliligo simula ng dumating tayo." I lined my lips to stop my laughter.
"Arabella.." Dad's voice were calm. Nakaramdam ako ng kaba.
What if pag lumabas ako dito pagalitan ako?
"Hija?" It's Nayding.
"Lumabas ka ng bata ka." The serious voice of my father filled the whole mansion.
Huminga ako ng malalim habang nagdadasal na sana hindi ako pagalitan pag lumabas ako. And God grant my prayer.
When I showed up. He looks angry but he didn't talk. Mabilis na lumapit si Nayding sa akin.
Nakatayo lang si daddy sa bungad ng counter ng kusina. Tahimik na pinagmamasadan ako.
"Ano ka ba namang bata ka! Pawis na pawis ka na!" Bungad ni Nayding tsaka pinunsan ang likod ko ng bimbo galing sa balikat nya. I didn't move.. kinakabahan ako habang nakatingin si daddy ko na nakatayo lang at hindi rin gumagalaw.
He looks angry but he didn't talk. This is unusual. Mas nakakatakot kesa sa mga araw na pinagsasasabihan nya ako.
Nakita kong umiling sya at umiwas ng tingin saglit at muling ibinalik sa akin.
"Be formal. May dinner tayong dadaluhan mamaya." I dont know kung kanino nya sinasabi iyon. Pero sa akin sya nakatingin. Maybe he's talking to me and Nayding?
And in one cue, my businessman father left the kitchen. Akala ko bakasyon ang pinunta namin dito. Business pa rin pala.
Nag-kibit balikat lang ako at tumingin muli kay Nayding. Hinawakan ko ang pisnge nyang kumukulubot na rin dahil sa tanda, nakakunot ang noo nya habang pinupunasan ang pawis ko sa likod. Ngumiti ako ng malaki sa harap nya. I brushed her cheek with my small thumb.
"Naydinnng." Mahabang sabi ko sa pangalan nya. "I told you tagu-taguan tayo." Tumigil sya at humarap sa akin. I pout my lips. "Hindi mo naman ako hinanap eh." Saad ko. Nagsumbong pa sya kay daddy! Umirap sya habang umiiling. And ended up smiling.
"Naku kang bata ka!" She pinched my noise. "Tara na sa kwarto ng makaligo ka na. May lakad kayo ni Senyor." Saad ng matanda at hinila ako papunta sa kwarto ko.
She told me to take a bath, so I did.
At the age of four my mother left us without saying goodbye. Akala ko noon may work lang sya but she never come back. Then while my age is increasing I realize that she'll never come back. We dont know why.. Pilit kong pinapasok sa utak ko na it's okay nandyan naman ang daddy pero while looking at my classmates back in recognition.. Bakit ako lang ang walang mommy? Yung mga mommy nila nilalagyan sila ng ribbon at inaayusan bago umakyat sa stage pero bat ako? Sitting next to Nayding with father? Not that i'm saying na i'm not happy with my life now,im saying is iba pa rin ang mother's love. Pero from the beginning, why did she left us? We have wealth, the name, we are happy, my father loves her, me too.. pero bakit sya umalis? Maybe she dont like me? Maybe kulang pa kami? Maybe she's digusted with me? Or maybe she fell out of love with my father..with me?
That's one prove that there's no permanent in this world. Everything will fade at its own time. And love is not an exception. I know father loves me pero i'm ready if he fell out of it and left me like mom did.
"Daddy, saan po tayo pupunta?" Napahikab pa ako. Inaantok na kasi talaga ako. Its already nine in the evening. Usually in Manila tulog na ako sa ganitong oras.
"Just simple dinner with my amigo here sweetie." Our driver started the engine.
"Where's Nayding?" I ask.
"Nasa bahay. Natutulog na." Ngumiti si daddy. My dad is wearing a businees attire. Katulad noong sinusuot nya sa Manila pag nagtatrabaho sya.
While im wearing a floral dress. Ganito kasi yung mga sinusuot ng mga magaganda kong kaklase kaya gusto kong isuot. Maraming bulaklak na damit.
Hindi matagal ang byahe mula sa mansion ng matagpuan namin ang isa pang mansion. The guard let us in pagkatapos sabihin ng driver namin ang apilyido namin.
The mansion is big. I think its bigger than ours. The design of the mansion is not really modern also just like ours. Kasi yung bahay namin dito sa San Andres ay parang pagmamay ari pa ng mag ninuno ni daddy, ganoon din itong mansion na ito.
Mukhang wala namang party ng pumasok kami. Napahikab pa ako saglit. Masama akong tiningnan ni Daddy.
The french double door welcome us. Unang apak ko ay namangha agad ako. The chandilier is lighting the whole entrance and the sala place. Bumungad sa gilid ko ang isang grand staircase. Sinundan ng mata ko ang pataas ng hagdan pero hindi pa naabot ng mata ko ang taas ay nahinto na agad ang mata ko sa isang pamilya. The family is confidently walking down the stair smiling at us. Suddenly I felt small. They're like royal family, walking dowm in their royal stair.
Napatayo ako ng maayos ng nakababa na sila at nasa harap namin ni Daddy.
"Kumpare!" Ang haligi ng bahay. Nagyakap sila ni Daddy katulad ng mga lalaking nagyayakapan.
"Pare." Sabi ni daddy at bumitiw sa yakap. "Kumare." Daddy hug the woman and brushed her back with his hand. Tumango ang asawa nito na tila okay lang dahil alam na walang intesyon si daddy sa asawa. Seems like they're a long time friend huh?
The woman is effortlessly beautiful. Ngayon ko lang sya nakita sa tana ng buhay ko. Well the whole family actually.
"Arabella! Finally!" She open her arms to hug me. Ngumiti ako at lumapit. She is wearing a sexy red dress.
"Dalaga ka na!" Natatawang saad naman ng asawa nito.
"Bata pa yan kumpare. Malaki lang. Mana sa akin." Tawa pa ni daddy. Humiwalay sa akin ang babae. She's smiling widely.
Ngayon ko lang napansin ang mga--maybe anak nila.
"By the way. Ito ang panganay ko, Si Nealle.." The boy moved forward and lend his hand for my father. They shake hand. Natulala ako. Napakunot pa ako ng noo habang nakatingin sa kanya. There's something wrong.
Halos mapatalon ako sa gulat ng bigkasin ni daddy ang pangalan ko. Napatingin ako sa kamay ng lalake. Sa akin na ito nakatapat at nagaabang sa aking kamay.
Nahihiya kong inabot iyon at nakipag-shake hand sa kanya. Nakita kong umiling sya habang pinipigilan ang ngiti sa labi. Wala sa sariling napairap ako.
This boy..
"And this is Chad, ang pangalawa." Tumango lang si Chad with a wide smile. and he did also shakes hand with dad. "And our bunso, Dame." The boy just nod on us.
Pero nakapako lang ang tingin ko sa panganay.
Nakakunot ang noo ko.
There's something wrong with him or it was me?
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomanceArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...