"Palibhasa'y hindi mo inaayos ang trabaho mo! Taga-silbi ka dito sa mansion, hindi prinsesa!" Nasa gate palang kami ay naririnig na namin ang sigaw ni Lydia dela Vega. Nakita kong umiling si Chad sa gilid ko.
Ang kasama namin kanina ay biglang nawala kaya kaming dalawa lang kasama ang dalawang kabayo. Nang malapit na kami sa entrance ng mansion ay bumaba na sya. Baba na rin sana ako magisa ng ambaan nya ako ng kamay.
Inabot ko iyon at inalalayan nya akong bumaba.
Tahimik naming pinasok ang mansion.
"Ayusin mo yan Emily, may dadating na na bisita!" Unang bumungad sa amin si Emily na hirap na hirap sa pagpunas ng sahig na nay kulay yellow na likido. "Finally! Ara hija!" Nagulat ako ng hinalikan ako sa pisnge ni Lydia dela Vega.
"M-maam!" Nagulat pa ako. Umatras sya at tila hindi makapaniwala na tinawag ko syang 'ma'am'.
"Ma'am?!" Umalingawngaw ang boses nya sa buong mansion. Agad akong nakaramdam ng matinding takot. "You should call me Tita!" Saad nya. Nanlaki ang mata ko.
"Ma.." Saad ni Chad sa gilid ko.
"Oh c'mon Chad!" Bumaling si Tita Lydia sa anak. "Nasan ang kuya mo? Nandito si Ara oh!" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Natigil ang pag-iisip ko nang makarinig ng malakas na basag.
"Emily!" Sigaw ni Tita ng makitang nahulog ang baso na hawak nya sa tray. "Ano ba?!"
"Pasensya ka na kay Mama ha? Mainitin kasi ulo non. Lalo na pag may importanteng bisista." Tumango lang ako at ngumiti.
"Saan tayo?" Tanong ko.
"Hmm. Sa bayan." At lumarga nga kami patungo sa bayan kasama ang ilang bodyguard ng daddy nya. Maraming tao. Naaliw agad ako ng makita ang magagandang shell na ginagawa porselas marami pang ibang magaganda na binili ko. Ngayon lang ako napunta sa palengke ng San Andres. Nakakatuwa. Sumunod naming pinunta ang dagat. Hindi ito malayo mula sa lugar namin. Sakop ito ng probinsya ng san Andres.
Nagulat pa ako ng pinasok namin ang isang Private resort. Baka mademanda pa kami.
"This property is owned by my parents colleague so dont worry." Nakangiting saad nya at bumaba sa kabayo. Sumunod naman ako sa kanya pero inalalayan ako ng bodyguard niya. I tap Yuan's head before heading to Chad who's meter away from me now.
Kailangan ko ng tumakbo para maabutan sya. Habang ang mga bodyguards nya ay nasa tabi lamang ng mga kabayo hindi kalayuan dito.
At nang maabutan ko sa ay nasa dalampasigan na kami. Tinanggal nya ang boots nya at tinapak ang paa sa mababaw na parte ng tubig. Hindi ako sumunod sa kanya takot na mabasa ng tubig dagat. Nasa hanggang tuhod na sya.
"You dont like the beach?" Tanong nya ng makita ako. Ngumiti ako at umiling.
How can I love something that once almost kill me?
"My kuya loves beach so much. Actually once a week ata syang pumupunta dito." Again, I felt the curious feeling inside me.
"He does?" Tanong ko. Lumapit sya sa akin at tumango. Binitawan nya ang maong pants nya ng hindi na ito mababasa ng tubig.
"I dont know and guess what.." kumunot ang noo ko. Sa di kalayuan ay may tinuro naman syang average house. Walang tao ang nandoon. "Dito nya ata nakilala si Emily." Saad nya. Kumunot ang noo ko ganoon din sya pero kumunot noo sya dahil sa sikat ng araw, lumabas din yung dimple nya dahil doon. Pero ako kumunot noo dahil nadadagdagan na naman ang pagiging curious ko tungkol sa dalawa.
Curiousity is the end of my summer.
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomansaArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...