"Kung libre ka bukas ay bumisita ka sa Mansion. Sure hindi ka pa nagagalibot dito." Saad ni Chad. Tumango ako.
"Sure I will." Ngiti ko. Tumingin ako kay Nealle na masama ang tingin sa akin. Umiwas na lang ako. Masama pa rin ang tingin nya sa akin.
Mabilis na natapos ang oras. Naenjoy ko ata ang paliligo sa falls.
"Mauna na kami.." paalam ni daddy. Nagpaalam rin ang pamilya. Tumango sa akin si Lydia dela Vega at hinalikan ako sa pisnge.
"H'wag mong kakalimutang bumisita sa bahay. You're welcome anytime hija." She sincerly said. Ngumiti ako at tumango.
Suddenly..I wonder how it feels to have a mother?
Lydia dela Vega looks like a loving mother to her three sons.
Nagpaalam na kami at tuluyang nilisan ang lugar. Malapit nang maggabi at natatanaw na ang maganda sunset. Nagiging yellow orange na ang taas.
Kinakausap ni daddy ang mga tauhan nya habang nasa byahe pabalik ng mansion kaya hindi kami ganoong nakapagusap. Ganoon din ng maka-uwi sa bahay. Mabilis lang syang naligo at lumiban na para sa importanteng bagay.
Pag-akyat ko sa taas ay naligo ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising lang ako ni Cristy ng oras na para sa hapunan. Nang bumaba ako ay wala pa si daddy kaya kumain ako magisa. Nang matapos ay nagabang ako saglit kay daddy pero mabilis akong dinapuan ng antok ng sumapit ang alas nuwebe.
Nagising ako sa tunog ng yapak ng kabayo. Nang tumingin ako sa orasan ay alas-syete na ng umaga kaya mabilis akong naligo. Saktong paglabas ko sa bathroom ng kwarto ko ay pagpasok ni Nayding sa kwarto.
"May bisita ka." Nakangiting saad nya. Kumunot ang noo ko.
"Sino ho?" Tanong ko at sinuklay ang buhok ko sa salamin.
"Dela Vega." Nahinto ako sa ginagawa ko.
"Chad?"tanong ko. Nakita kong tumango sa repleksyon ng salamin si Nayding. Inaayos nya ang hinigaan ko. Tumango lang rin ako at ng natapos ay nagpaalam na baba para harapin ang bisita.
"Hi!" Bati ko ng makita sya sa sala na naka-upo.
"Morning." Bati nya at ngumiti. His dimple showed again. Tumango lang ako.
"Halika, breakfast tayo." Yaya ko. Tumango sya at sinundan ako sa kusina. Naka-handa na ang umagahan.
"So, anong sadya mo?" Nakangiting tanong ko. Narinig ko ang mahinag tawa nya.
"You sound rude." Nakangiting saad nya. Kumunot lang ang noo ko. "Okay fine, to be honest, mommy wouldn't let me go, hindi nya ako papayagan na gumala,and I reasoned out na ipapasyal kita sa kabilang bayan para payagan nya ako." Tumaas ang kilay ko. "Since hindi ka pa naman nakaka-punta mag-take advantage ka na rin ako." Napairap ako sa dahilan nya.
"Saan tayo?" Tanong ko. "Tsaka magpapa-alam pa ako kay Daddy." Saad ko at nag-pout, iniisip kung nasaan si daddy.
"Una sa bahay muna tayo, ipapakita kita para maniwala si mommy, tapos dadaan tayo sa city hall kung nasaan yung park, sunod sa mismong bayan, kung saan bumibili ng mga remembrance yung mga turista tapos sa dagat yung sa maraming mangingisda. Maganda kapag hapon doon." Saad nya. Suddenly I felt excited. Sa unang pupuntahan palang namin.
Nandoon kaya sya sa mansion nila?
Kasama nya kaya ulit si Emily?
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomanceArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...