Kabanata 19

533 13 0
                                    

Dumilat ako na mabilis kong pinagsisihan. Ang sakit ng ulo ko. Mabilis din akong napapikit at ininda ang sakit.

Hindi ko kailangang alahahanin ang nangyari kagabi dahil hindi ko naman nakalimutan.

Napatingin ako sa suot ko dahil nakapajama na ako. Saktong pagtingin ko sa pinto ay ang pagbukas nito. Si Nayding. May dala syang tray ng pagkain ay gamot.

"Goodmorning 'nak." Saad nito. Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "Oh!" Inabot nya sa akin yung baso ng tubig. "Tulog ka na nakauwi kagabi. Buti nalang ay dela Vega naghatid sayo." Tumango ako. "Hindi si Chad. Iyong panganay." Hindi ako umimik. Alam ko Nayding. Sobrang imposible ba? Umiling nalang sya. "Kumain ka na at uminom ka ng gamot." Saad nya. Tumango ako at sinunod ang utos nya. Pinapanood nya lang ako sa ginagawa ko ng nakangiti. Nakangiti ng malungkot. "Babalik na tayo sa Manila mamaya, dahil aayusin pa natin bukas yung mga papel mo. Bumalik nalang tayo rito pagkatapos ng isang linggo dahil bakasyon na." Saad nya. Tumango lang ako. "Gusto ng daddy mo na dito ka na mag-aral sa susunod na pasukan." Nanlaki ang mata ko. Excitement filled my system.

"Talaga?" Tanong ko.

"Para makilala mo ang kapatid mo." Yung excitement ko biglang bumaba.

What the hell?

Kung iyon lang ang dahilan ay wag na. I have a life in Manila. I can live with it.

Tinapos ko ang pagkain at gamot. Pumorma ako na hihiga sa kama ng magsalita si Nayding, buhat nya na yung tray at handa ng umalis.

"Hindi mo ba kakausapin ang daddy mo? Nakalabas na sya kanina." Saad nito. Nagkibit balikat nalang ako at humiga.

Ewan ko. Natatakot akong tama yung mga conclusions ko. Ayokong masagot yung mga tanong sa utak ko. Alam kong masakit. Kaya nga umiiwas ako. Sabi nga nila, Prevention is better than cure. But I found my self knocking on my dad's office at night. Then how will you avoid it if you dont know its on its way? Hindi ko alam ang ginagawa ko.

"D-dad." Saad ko. Maybe I failed on preventing it but surely, I will find the best cure for this.

"H-hija." Tila nagulat pa sya sa presensya ko.

May brace ang leeg ni daddy, May tapal din ang nga sugat nya pero nandito sya sa opisina nya at nagta-trabaho.

"Ang worcaholic mo, baka m-magkasakit ka nyan." Saad ko. Nangiti naman sya.

"Come here." Saad nya. Ngumiti ako at tuluyang pumasok sa opisina nya.

"So.." Simula ko. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawala nya.

"Im sorry." Sincere na saad nya kaya nanlingid na naman ang luha sa mata ko. "Hindi ko naman sinasadya. I had an affair nung kasal kami ng mommy mo at wala ka pa." He removed his glasses then rub his brows. "Hin--" I cut him off. Nakasara ang kamay ko sa hita ko.

"Tell me dad.. do you had an affair with a prostitute?" Tanong ko. Tila natigil sya. Ang katahimikan ay ang lalong nagpasikit sa dibdib ko.

Hindi ko magawang mandiri kay Daddy. Daddy ko sya kahit papano, sya ang nagpalaki sa akin.

Ngumiti ako ng mapait.

"Im sorry." He said.

"You had a daughter with a dirty woman." Saad ko, pilit ko mang iwasan, disgust is very evident on my tone. "Ill talk to you next week dad. May byahe pa kami." Saad ko at tumayo. Paglabas ko sa office ni dad ay nakasalubong ko si Emily.

Ngumiti sya sa akin. Bigla akong nandiri.

Im sorry Emily, pero anak ka ni daddy sa maduming babae.

Wicked HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon