"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko. Hindi sya sumagot. "Nalagpasan na natin yung bahay nyo a." Saad ko. Ang naalala kong daan ay papunta na kami sa falls.
Bumaba ako sa kabayo ganoon din ang ginawa nya. Walang tao sa paligid. Mula rito ay maririnig mo ang tunog ng tubig at huni ng mga hayop.
Maayos kong tinali si Yuan sa gilid ganoon din ang ginawa nya.
"You know it's not safe here." Saad nya nang mauna syang matapos.
"Pwede ka ng umalis kung natatakot ka." Saad ko at nagsimula ng naglakad pero inunahan nya ako at inawi ang mga dahon sa daan.
"Its not that." Saad nya. Hindi ako umimik hanggang sa marating namin ang falls. Hindi na ako nagtaka kung bakit walang tao. Pagabi na rin. Napansin kong naging masukal ang talon. Umupo ako sa pimakamalapit na cottage at pinanood ang talon.
Umupo sya sa harap ko.
"How are you feeling?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.
Ngumiti ako ng mapait.
"Nung bata ako sobra ang takot ko na baka may aagaw sa mga meron ako. Sa mga yaya ko, kay Nayding at kay Daddy." Tahimik sya at hindi umiimik. Tila nakikinig talaga.
That's right Nealle. Yaan an kailangan ko ngayon. Listener.
Ngumiti ako ng mapait. "I knew it already.12 years old ata ako non, dito sa San Andres, narinig ko yung mga kasambahay namin." Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. "Sobra ang takot ko non. Sila nalang kasi ang meron ako tapos maagaw pa." Saad ko. Nakita ko syang napaiwas ng tingin ng pumatak ang luha ko. "Akala ko permanente na silang akin, tapos d-dadating sya at aagawin nya--" He cut me off.
"You can't own a person Arabella." Tila pinagbibintangan nya ako sa tono nya. Lalo lamang sumisikip ang dibdib ko. Why am I even openning up to him? He's not a friend and we just met after two years. And we're not even friend then!
Mali dapat hindi ikaw ang nandito kasama ko. Syempre doon ka sa side nya. Dati mo karelasyon e or kayo pa?
Yumuko ako.
"Tapos mas matanda pa sya sa akin. So ibig sabihin ako ang anak sa labas?" Naiiyak na tanong ko. Humikbi ako ng hindi sya sumagot. Why am I still talking?
Nagtuloy ang iyak ko. Hindi na lamang sya kumibo at hinayaan ako. First time kong makipagusap sa kanya tapos umiiyak pa ako. How funny.
"How old are you?" Out of nowhere na tanong nya. Kumunot ang noo ko pero sumagot ako. I looked him. I wanted to laugh. He doesn't know how to comfort someone.
"I-im 16." Saad ko. "I just graduated from Highschool." Malungkot na saad ko, kahit di nya tinatanong.
"You celebrated already?" Tanong nya umiling ako. "Do you drink?" Tanong nya. Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Simpleng tanong pero.. damn. "It's ok if you dont, I just asked 'cuse you know..alchocol calms your mind." Pinunasan ko ang luha ko.
"I-i see." Saad ko at tumingin muli sa tubig. Napuno ng katahimikan sa aming dalawa.
Ok fine. I trust him.
"G-gusto ko u-uminom."
Nealle dela Vega, a person who doesn't know how to comfort someone offered a minor to drink with him!
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomansaArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...