"Bryan tara na daw kumain!" Tila isang senyales ang sigaw ni Emily para magising sa kami. "N-nealle?" Gulat na sabi nya at mabilis na inayos ang postura.
Walang sumagot pero nagsimula ng umalis si Bryan sa kwadra.
"Dinner na ba?" Tanong ko para matigil ang titigan ng dalawa. Naramdaman ko namang napatitig sa akin si Nealle pero nanatili si Emily sa titigan nila.
Hindi ka makatingin ng matagal sa tanong mahal mo?
"Sumabay ka na Nealle." I said tsaka hinila sya. Hindi naman sya nagpaawat. Nanatili ang kamay ko sa braso ni Nealle hanggang sa makarating sa dining at iniwan si Emily sa kwadra.
"Si Emily?" Tanong ng nanay nya. Hindi na sana ako sasagot pero nagsalita parin ako.
"Sumunod na." I said coldly. Hindi ito nakasagot at nanatili ang tinging sa katabi ko. Tsaka ko lang naalala na hawak ko parin ang braso nya kaya bumitaw na ako at umupo sa upuan ko.
"Dela Vega!" Bati ni daddy at tumayo para mayakap si Nealle. Tinapik pa nito ang likod. "Are you here with my daughter?" Saad nito habang bumabalik sa upuan. Halos masamid ako sa tanong nya.
"Sinong anak?" Napairap ako sa tanong ng nanay ni Emily. Saktong namang dumating si Emily. Hindi nakasagot si Nealle.
"Sino bang anak?" Natatawang tanong ni daddy kaya napairap ako.
"Sinauli ko lang po yung kabayo ni Ara dahil naiwan nya kahapon sa amin." Magalang na sabi ni Nealle.
"Sa inyo nalalagi si Ara?!" Gulat na tanong ni daddy. Na tila sobrang imposible ng bagay na iyon.
"Ganoon na nga po." Nealle said in a formal tone.
"Bat hindi ka pa maupo hijo?" Tanong ni Nayding na may dalang tray ng ulam.
Nakita kong naghanap ng mauupuan si Nealle. Napairap ako. Bakante yung nasa harapan mo bugok!
Bakante yung tabi ni Emily!
Kumunot ang noo ko. Umupo sya sa tabi ni Emily kaya ganoon nalang ang pula ng mukha nito. Napairap ako. Thisbis getting annoying.
Nagsimula na kaming kumain hanggang sa magbukas is daddy ng topic.
"Noon pala ay may relasyon kayo nitong si Emily?" Tanong ni daddy.
Oh my gosh daddy! Why are we talking about that right now?
Napaubo si Emily na napainom sa baso ng tubig.
"Bata pa po kami non." Childhood swetheart. First love.
Napaisip ako. Ikaw ata yung first crush ko?Kumunot noo ako habang nagiisip.
"Oh e ngayong matanda na kayo?!" Natatawang tanong ni daddy.
"P-pa!" Bawal ni Emily na sobrang pula ang mukha.
"You two look good together!" Jalos masuka ako sa sinabi ni daddy.
"Nealle is too good for her." Wala sa sariling nasabi ko. Dahan-dahang nabaling ang tingin nila sa akin.
"Really?" Singit ni Bryan, epal. I nodded confidently.
Matapang kong sinalubong ang tingin ni Nealle. His lips rose a little making a small smile. He shook his head then look at his food.
"Do you like Nealle?" I was caught off guard with the question of my dad.
"W-what?!" Pasigaw na tanong ko. Nakita long ngumiti si daddy.
"Ako ang nagpalaki sayo. I know you so much. You had crush on Nealle when you were kid." Bulgar sa akin ni daddy. Bumaligtad ang sikmura ko at gusto ko nalang palamin sa sahig.
Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Nealle. He was smilling at me devilishly. Gusto kong maiyak sa sitwasyon ko. "You wanna marry him?" Tanong nito. "He will be a good husband someday. I can see it by just looking on him."
"Sir!" Pigil ni Nealle kay daddy. "You"re daughter is too young to talk about marriage." Nakangiting saad nya.
Just say it. You want Emily instead.
"Then she has a lot of time to make you fall for her."
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomansaArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...