Kabanata 18

547 13 4
                                    

"Sa akin ka na sumakay. Hahawakan ko nalang ang tali ng kabayo mo." Hindi ko alam pero biglang nanlingid ang mga mata ko.

Iyakin pala ako pag lasing.

"I-iwan natin si Yuan?" Kumunot ang noo nya.

"Yuan?" Walang ideyang tanong nya. "May pangalan ang kabayo mo?" Tanong nya. Tumango ako at pinunasan ang luha. Wala sa sariling sumakay ako sa kabayo nya. Naiiling naman nya akong sinampa.

"Bakit wala ba pangalan kabayo mo?" Tanong ko tsaka hinaplos ang buhok nito. Umiliing lang sya habang ginukuha si Yuan. "Gusto mo pangalanan ko?"

"Bahala ka." Saad nya. Tumingala ako at nagisip ng pangalan.

"Hmm." Kung pinagsama ang name namin ni Nealle ang jejemon. Ems nalang kaya?Short for Emily. "Lalaki ba to?" Tanong ko. Taas kilay syang lumapit sa akin.

"What do you think?" Tumango ako. It's a boy then. "Hand me your phone." Inabot ko sa kanya yung phone ko. He turn on the flashlight. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng walang kahirap-hirap syang sumakay sa likod ko. Nanigas ako ng maramdaman ko yung mga braso nya sa katawan ko. "Hold this for me." Saad nya at tinapat ang phone ko sa harap para makita namin ang daan. Hawak nya ang tali ni Yuan. Nagsimula na kaming bumyahe.

"Any name for my horse?" Tanong nya nagisip naman ako.

Natawa ako sa naisip. "Sanmig." Saad ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon nya kaya mabilis akong humarap sa kanya. Nakita ko syang nakangisi.

"Bakit Sanmig?" Tanong nya. Nagkibit balikat ako at binalik ang tingin sa daan.

"Nilasing mo kasi ako. Tapos yun yung unang alak na natikman ko. San Mig." Saad ko. Narinig ko syang mahinang natawa.

"If you're happy with it then fine. Sanmig." Saad nya.

Ngumiti ako. "Hello Sanmig." Hinaplos kong muli yung ulo nito. Hindi ko alam pero bigla na naman akong naluha. "Anak ako sa labas." Bulong ko kay Sanmig tsaka umiyak. Napatigil naman ni Nealle si Sanmig.

Kinuba ni Nealle ang phone sa akin. Bigla kong naramdaman yung lamig dahil hindi na sya nakayakap sa akin kaya lalo akong naiyak.

"Ang babaw ng luha mo." Saad nya. Ngayon ko lang uli naramdaman yung hilo ko dahil pilit kong tinitininganan yung mga mata nya. "You think you can handle things?" His voice was too tender for me to take.

"Anong g-gusto m-mo?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung tapang ko sa kalagitnaan ng pagiyak ko. "Ikaw iyakan ko?" His lips rose but it didn't curve into smile.

"Hindi naman kita papaiyakin." Saad nya at binigay muli sa akin yung phone ko. "Tara na nga." Saad nya at muling pinalakad si Sanmig.

Napasandal ako sa dibdib nya. Napahikab rin ako. Ang tibok ng puso nya ang nagsilbing lullaby ko at nakatulog ako sa bisig nya.

Hindi pwede yun. Lahat ng tao may napaiyak na at posibleng paiyakin mo rin ako pagdating ng araw.

People break each others heart hindi iyon maiiwasan.

I heard Nealle's groan but i'm too sleepy to open my eyes.

Wicked HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon