Kabanata 3

728 17 0
                                    

Mabilis ang baba-taas ng dibdib ko habang kinakalma ang isip.

Is it possible that I have a sister or a brother?

Agad akong kinabahan at inikot ang tingin sa buong mansion. Napatingin din ako kay Nayding na kalalabas lang ng kwarto nila. Kasunod nya ang dalawaang yaya ko sa likod nya.

Is she or he going to have them? Yung mga yaya ko, si Nayding, yung hacienda, si daddy. Kukunin ba nya sa akin?

"Bakit ka umiiyak hija?" Tanong ni Nayding at lumapit sa akin. Mabilis kong kinapit ang braso ko sa bewang ni Nayding. Concern and tenderness is very evident on her old eyes.

Humikbi ako.

"N-nayding, stay with me." Umiiling na saad ko. Walang pigil ang luha ko. "Aagawin nya kayo sa akin!" Sigaw ko habang umiiyak. Natigil si Nayding sa pag-haplos ng likod ko.

"A-ano bang pinag-sasabi mo senyorita?" Natatawa kunyaring saad ng isa kong yaya.

"Kahit anong mangyari.. akin kayo ha?" Saad ko at hinigpitan ang yakap. Na tila iyon ang magpapaamo sa munti kong puso.

"Oo naman Ara, sayo ako." Tila kumampante ang pakiramdam ko sa sinabi ni Nayding.

It just feel good to know that you have something you own.

Tinanggal ko ang kapit ko at umatras para makita sya. Nakangiti sya sa akin. Lumapit sya at hinawi ang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Pinunasan nya rin ang luha ko.

"Anong problema hija?" Nakangiting saad ng matanda. Ngumiti lang ako at umiling. Ayoko matanggal sa trabaho sila Nayding at ang mga kasambahay dahil nalaman ko na may anak sa labas si daddy dahil sa kanila.

Magsasalita pa sana si Nayding ng boses ni daddy galing sa taas ang umalingawngaw.

"Where's my princess?!" Napangiti ako at mabilis na dinamba si daddy ng yakap ng makakababa sya. "Are you ready?" He pointed my nose.

Napa-pout ako.

"Dad stop! Hindi na ako bata para pindutin mo ang ilong ko!" Saad ko habang kunot ang noo. Nakita kong tumawa si Nayding ganoon din si daddy.

"Pero dinamba mo ako kanina ng yakap. Yan ang ginagagwa ng mga baby sa daddy nila. Kapag nakita mo ako, you should kiss me on the cheek like what your cousins do to their parents." Kumunot ang nooko.

"Okay dad! Noted!" Saad ko.

"Let's Go!" My dad is now wearing a blue jersey at t-shirt malayo sa pagiging businessman sa Maynila. Now this is what you called vacation.

Instead of riding our cars. We ride a horse. Nine years old ng matuto akong mangabayo. Yuan is the name of my horse, he is a gift from dad when I was eight years old. Even when i'm young marunong na akong mangabayo. Every summer kasi dito ang bakasyon namin sa San Andres bago ang birthday ko ay babalik kami ng Manila then two weeks magtatrabaho si daddy then travel na kami sa one week na birthday ko. Those week are my favorite time of the year. Kapag nagbabakasyon naman kami dito ay wala ang mga dela Vega. Maybe binibisita ni Daddy ang Ama nila which is the Governor of the Province. Ang alam ko ay sa States nalalagi ang ina at mga anak, last year ng pasukan lang sila bumalik pero hindi kami napunta ni daddy dito dahil naging Busy sya sa work at that year kaya hindi ko sila nakilala ng mas maaga.

Dad let me ride my own horse at sya naman sa mas brown na kabayo. May kasama kami they also riding their own horse, wala kaming kasamang yaya kahit si Nayding.

Hindi maiinit dahil maaga pa. Nakangiti lang ako. Enjoying the bond with dad.

Sa hindi kalayuan maririnig mo na ang hampas ng tubig mula sa itaas. Huminto ang kabayo ni Daddy sa isang malaking bukas na bakod patungo sa loob ng gubat. Nahinto rin kami, umabante ang unang kabayo, isang tabrahador ni daddy at may kinausap.

Kasabay ng mga sigaw ng tao ay huni ng ibon.

May mga tao sa entrance. Kinausap nila ang isa kasama namin. Narinig ko pa ang salitang.. "Kasama ni Gov?"

Tumango lamang ang kausap nya na kasama namin at tinuro kung saan kami tutuloy. Nang sundan ko ng tingin ay may mga kabayo rin na nakatali at kumakain ng dahon.

Nagulat na lang ako ng buhatin ako ng isa sa kasama ni daddy at maingat na binaba.

"Ang gaan mo senyorita!" Natatawang saad ng matandang bumuhat sa akin. Napangiti na lang ako ng maalalang sya yung asawa ni Nayding.

"Naghihintay na po sila Gov."

Wicked HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon