One week passed fast. Ni hindi ko namalayan na bakasyon na pala. Walang samud kong chini-check ang mga social media ko habang nasa byahe kami pabalik sa San Andres. I just hit a 8.7k followers on instagram. Not bad. Kung ano ano pa ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa hacienda. Suot ang sunglasses ko ay pinasok ko ang bahay.
Tahimik ito as usual. Hindi na umuwi sa daddy sa Manila since last week. Pero ang akala kong tahimik ay nabulabog ng may maingay na tawanan galing sa taas ang narinig ko. Tiningnan ko ang bagahe ko na kalalapag lang. Dalawang maleta. Is this enough for two months stay?
"Paki-sunod nalang po sa kwarto ko." Saad ko at naunang umakyat. Pero napatingin muna ako sa center ng living room. Thanks God, nandoon parin yung family picture namin. Tinanggal ko salamin ko.
Ang mga hagikgik ay lumalakas habang palapit ako ng palapit sa kwarto ko.
Kumunot ang noo ko. Sa kwarto ko?
Dahan-dahn ko itong binuksan at laking gulat sa nadatanan.
"Oh my gosh!" Malakas na sigaw ko. Halos mapatalon pa sa gulat sila Emily at sa tingin ko ay mga kaibigan nya.
"A-ara--"
"Omygosh! How dare you call my name?!" Malaking mata na tanong ko sa kanya. Tila napahiya naman sya at dahan-dahang binababa ang hair brush ko. Tila nanlumo ako ng makita ang vanity mirror ko na nakasabog ang mga gamit ko don. Ganoon din ang kama ko na puno ng gusot na damit ko.
Gusto kong maiyak. I've never worn those clothes yet! Galing sa Italy yon bigay ni mommy!
"Ahhh!" Napatili nalang ako sa frustration. "My things." Gustong ko mambato. Isa isa sila.
"S-sorry." Saad nung isa. Naluluha akong kumuba ng garbage bag at sinimulang ilagay don ang gamit ko. Nagtaka pa sila sa ginagawa ko.
"Oh my gosh! Why am I even doing this?" Tanong ko sa sarili ako at binitawan ang plastic. Tumawag ako ng yaya.
"The Hell!" Sigaw ko habang naglilinis sila. Ni hindi pa gumagalaw yung mga kaibigan ni Emily. "Sino nagsabi sa inyo na pwede kayong pumask sa kwarto ko?!" Manggigil na tanong ko. "You.. you low... arrghh!" Pinunasan ko ang luha ko. "Bakit ba kasi pumasok kayo dito?" Umiiyak na tanong ko pero malakas at siguradong naririnig sa buong mansion.
"Nak Ara!" It was Nayding. Lalo lang akong naiyak.
"Do you even know word privacy?" Tanong ko. Napayuko naman sila ganoon din si Emily. "Bakit mo sila pinapasok dito? Bakit ka nagpapasok ng mga insekto?!" Gigil na tanong ko kay Emily. Hindi sya sumagot kaya umatras ako. "Well hindi na ako magtataka. You're one of them! Oh actually, you're worse. You and your dirty mother--"
"Enough! Arabella!" Galit na boses ni daddy ang nagpahinto sa akin.
Tumaas ang kilay ko. Sa akin ka galit daddy? Ako naagrabiyado dito!
"Oh ayan!" Kahit na may luha ako ay tumawa ako. Baliw na ata ako. "Kakampi mo!" Saad ko. Lumabas ako sa kwarto ko.
"Ara.."
"Linisin nyo yan please lang. Pati ba naman kwarto ko babahayan ng peste." Saad ko tsaka bumaba sa hagdan. Nakita ko pa yung mama ni Emily. Inirapan ko sya kaya napataras sya. Aba dapat lang. Hindi sya ang masusunod sa bahay na ito!
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomanceArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...