Kabanata 6

650 19 7
                                    

"Masarap ang tubig Ara! Join me!" Sigaw ni Chad ng makabalik sya sa paanan ko. Pinatong nya ang siko nya sa bungad ng tubig sa harap. Ngumiti ako at umiling.

"Wala akong nadalang damit eh." Naka-ngiting saad ko. Tumingin sya sa kabilang cottage.

"Papakuhanan na lang kita ng damit kay Emily. Mukhang wala naman syang ginagawa e!" Sa sigaw ni Chad ay naagaw namin ang atensyon ng kabilang cottage. Lumingon ang mga katulong sa kanya. "Emily!" Mabilis na tumayo yung makinis na babae. So Emily is her name.

"S-sir Chad?!" Tanong nya. "May kailangan ho kayo?" Saad nya at binitawan ang twalya na pinangpupunas nya sa buhok nya. Naka-bihis na rin sya ng uniporme ng mga ksambahay.

"Bilhan mo ng damit si Ara." Umahon si Chad sa tubig ng walang kahirap-hirap.

"Sa bayan ho?" Tila imposible ang inuutos ni Chad sa tono ng pananalita nya.

"C-chad wag na, w-wala naman akong balak na mali--" Agad nya akong pinutol ng tumapat sya sa akin.

"Minsan lang to kaya sulitin mo na. Baka sa isang linggo ay wala na kayo rito." Seryosong saad nya. Kumunot lang ang noo ko.

"N-nakakahiya naman.." Umiling si Chad at nilagpasan ako, sumunod si Emily sa kanya. Yumuko lang sa akin si Emily. Kung ka-edad nya si Nealle ay napaka-bata nya para magtrabaho. Napataas ang kilay ko, kung muchacha lang sya ay ang lakas ng loob nyang makipaghalikan sa amo nya!

Naalala ko tuloy yung sa palabas na may sariling pangangailangan ang mga lalake at hindi ito mapipigilan? Siguro ay ginawa lang syang panakip butas sa pangangailangan ni Nealle at sigurado akong hindi sya seseryosohin ni Nealle dahil kasambahay lamang sya. Mababang uri.

Nakita kong inabutan ni Chad ng pera si Emily.

"Yung kakasya sa kanya ha." Bilin nya at pinatalikod si Emily para umalis.

Kumuha ng tuwalya si Chad at umupo sa tabi ko pero nagbigay ng distansya para hindi ako mabasa. Tulog pa rin sa kabilang upan si Dame. Hindi ko naman makita si Nealle.

"Ilang tao ka na ulit?" Tanong nito.

"Magt-thirteen na ako sa susunod na buwan." Tumango sya.

Hindi na sya nagsalita muli, inikot ko ang tingin ko at nahinto kay Nealle masama ang tingin sa akin at kay Chad na nasa likod ko.

Kumunot ang noo ko ng huminto si Emily sa makipot na daan papasok dito sa mismong falls, doon din kasi ang daan palabas. Nakahinto sya doon at tinititigan si Nealle na papalapit sa amin.

"If she dont want to swim, wag mo syang pilitin. Kung wala syang damit wag mo syang pilitin na maligo." Huminto si Nealle sa harap ni Chad, hindi man lang nagulat si Chad sa pagsugod ng kuya nya at tiningan lang ito. "H'wag ka ng mag-utos na bilhan sya ng damit she doesn't want to swim." Dinapuan ako ng tingin ni Nealle tsaka binalik ang tingin kay Chad. Napanganga ako at tumitig lang sa kanya habang puno ng galit ang mata nya na naka-unton kay Chad. "Do you know how far the store from here?" Puno ng galit ang tono nya.

"Yes kuya." Parang inosenteng saad ni Chad.

"Paglalakadin mo si Emily hanggang bayan para lang sa damit ng batang ito?" Sa hindi malamang dahilan ay dumating isang ang martilyo at sinimulang hampasin ang dibdib ko.

"Come on Kuya." Chad laughed. "Its her job!" Chad point out. "This girl beside me is treated as a princess in their house so as well we should treat her like princess too. Alangan naman itong prinsesa na ito ang paglakadin mo sa init?!" Nakaramdam ako ng matinding hiya sa sinabi ni Chad. Sa akin binaling ni Nealle ang mata nya.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

Isang mura ang lumabas sa bibig nya at nilingon muli si Emily. Umirap sya bago tumalikod. Pinuntahan nya si Emily, sinundan ko sila ng tingin hanggang maglaho silang pareho.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Chad.

"Nakakahiya!" Saad ko.

"He's a fool." Natatawang sabi ni Chad habang naiiling. Lalo lang akong namula at ibinalik ang tingin kung saan nawala sila Nealle.

He's angry, Nealle.

Wicked HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon