"Sorry miss first time ko po kasi magmake up ng international model." Yumuko yung make up artist ng company ni Nealle. Tiningnan ko sya ng masama.
"That is not a fucking excuse!" Tumayo ako at tumingin kay Rods. "Bring me some pads and make up remover." Utos ko at binalingan ng tingin ang babae. Nakayuko parin sya.
"M-miss ilang minuto nalang p-po magsisima na yung s-shoot--" I cut her off.
"I dont fucking care!" Sigaw ko at umupo muli sa harap ng vanity mirror.
"M-miss." Her tone is pleading but I dont care.
Tiningnan ko lang ang make up sa mukha ko.
"Papayuhan kita." Nakita kong tumingin sya mula sa sa salamin.
"P-po?" Tinaas ko ang isang kilay ko.
"Take a paper and pen and make resignation letter." I said firmly.
"P-po? P-pero m-ma'am may pamilya po ako!" Her tears suddenly fell.
Umirap ako.
"May trabaho din ako at mukha ko ang puhunan ko!" I hissed.
Tatayo sana ako at haharapin sya ng may pumasok sa silid.
"What's happening here?" Tumingin si Nealle sa akin. What the hell is he doing here? "Why are you still here?" Tanong nya sa akin. Hindi ako umimik at tiningnan ng masama ang babae na mahinang umiiyak.
"I told her to resign.." mahinang saad ko. Nang mapansin kong naiilang ako ay nilabanan ko ang titig nya.
Tsaka lang pumasok si Rods dala ang mga gamit na kailangan ko. Yumuko sya kay Nealle bago inabot sa akin ang make up remover at pads.
Kumunot ang noo ni Nealle. Inayos ko ang gamit at sinimulan ng tanggalin ang make up.
"What are you doing?" Gulat na tanong ni Nealle tamad ko syang tiningnan habang patuloy sa ginagawa.
"She put cheap foundation on my face." Simpleng saad ko. Kumunot naman lalo ang noo nya.
"And?" Umirap ako.
"She will ruin my face because of that!" Sigaw ko.
"H-hindi k-ko naman po ala--" I cut her off.
"Well you should know! Ikaw na nagsabi na international ako, you should bring the best for me!" Irritation is always in my tone.
Yumuko naman ang babae kasabay ng buntong hininga ni Nealle.
"She's right." Kalmadong saad ni Nealle, kumubot naman ang noo ko. "Where's the best and expensive make ups?" Nanlaki ang mata ng bababe na tila hindi makapaniwala. "We can cancel the shoot tonight."
Hindi ko alam kung ngingisi ba ako o hindi. Nakakatakot ang pangyayari kanina, baka mapahiya ako but Nealle side me. Napangisi ako at tinapos ang ginagawa havang pailing-iling. Hindi rin napansin na nakatingin parin si Nealle sa akin. Mabilis akong namula at tumalikod sa kanya.
What the heck?
Napalunok ako at sinilip sya mula sa salamin.
"I'll wait outside." Saad nya habang nakatingin sa akin bago tumalikod. Nanlaki naman ang mata ko sabay turo sa sarili tsaka humarap sa kanya pero wala na sya.
"Pota!" Mahabang mura ko at tinapos ang ginagawa. Nag-pack narin ako ng gamit ng sinabi ng staff na kinansel daw ni Nealle ang shoot.
Pwede nya bang gawin yon? Kahit hindi sya yung main investor or whatever?
Napa-pout ako at lumabas na ng set. Sa labas ay nakita ko si Nealle sa labas ng sasakyan nya. Nang makita nya ako ay sinenyasan nya ako na pumasok sa sasakyan nya.
"K-kayo po ba ni Sir?" Hindi ko tiningnan si Rods dahil naka-focus ako sa kay Nealle sa loob ng sasakyan.
"Muntik na." Bulong ko.
"P-po?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Nevermind." Saad ko. "Umuwi ka na." I said then walk to Nealle's car.
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomanceArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...