Kabanata 1

968 23 0
                                    

"Ilang taon nga pala yang panganay mo Amer?" Kunot noong tanong ni Daddy. Sumubo muna sya bago tingnan ang kausap.

"He's on his fourth year of high school." Tanging saad ni Amer. Napatingin muli ako sa lalaki. He is silently eating the food on his plate.He doesn't care na sya ang pinaguusapan. Napatas ang kilay ko.

The family is on the right side of the long table. Their father is on the center. Katapat ni daddy ang babae na ang alam kong pangalan ay Lydia. His eldest son is sitting besides her which is infront of me kay madali ko syang nananakawan ng tingin. Katabi nya si Chad then next to Chad is Dame.

Itinuon ko lang ang atensyon ko sa pagkain hanggang dumating ang second course. Lumabas ang mga nakaunipormeng kasambahay. Napakunot ang noo ko habang tinitignan ang galaw ng panganay na Nealle, sya mismo ang tumayo para tulungan ang kasambahay. Nang tumingin ako sa kasamabay ay agad na namula ang sobrang puting mukha nito.nNapansin ko rin hindi sya mukhang yaya dahil sa kinis nito, idagdag mo pa ang magandang itsura. Siguro ay magka-edad lang sila ni Nealle.

"Hmm. Malapit ka ng mag-resign kung ganoon!" Natatawang biro ni Daddy, tumawa ang mag-asawang kasama sya. Nabawi nila ang atensyon ko. Hindi nila pinansin ang pagiging-gentleman ng panganay.

"Malayo pa naman." Bawi ni Amer.

What is there surname again?

dela Vega?

"How about your daughter?" Malambing na tanong ni Lydia Dela Vega.

Pinunasan ni Daddy ang labi nya bago sumagot. Umalis na ang mga kasambahay, nagpatuloy na rin sa pagkain si Nealle.

"She's on her first year of high school this coming year. She's twelve years old--"wala sa sariling nagsalita ako.

"Im turning to thirteen next month!" Mabilis na putol ko kay daddy kahit tapos na syang magsalita. Nakita kong napangiti ang mag-asawa kumunot naman ang noo ni daddy pero sa isang tao lang nag focus ang atensyon ko. Nakita kong dahan-dahan syang ngumiti.

Agad akong kinabahan. He smiled devilishly. Nakatingin din sya sa akin.

Agad akong nakaramdam ng natinding hiya idagdag pa ang matinding kaba.

Why is he giving me that kind of smirk? It's making me nervous!

"Is that the way of inviting us hija? Dito ba sa San Andres magaganap party mo o sa siyudad?" Dahan-dahan kong iniwas ang tingin ko sa panganay ng Dela Vega at bumaling kay Lydia Dela Vega. Malaki ang ngiti. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. I dont want to disappoint her pero hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sa birthday ko this year. Paiba-iba kasi. Everytime na nagbi-birthday kasi ako ay tradisyon na namin ni daddy na mag-travel.

Tumingin ako kay daddy ng alanganin. Mukhang nagulat din sya sa tanong ng babae.

"That's great idea Lydia!" Bawi ni daddy. Tinuro pa si Lydia tsaka nagsimula na silang magtawan.

Tila nabunutan ako ng tinik ng maitapon ang topic na iyon. Sumubo ako bago tumingin kay Nealle. Tahimik muli sya sumusubo sa pagkain nya.

"What's your name again?" Napatingin ako kay Chad ng mag-open sya ng topic para sa amin. Our parents are busy talking.

"M-my name is Arabella Carreon." Sagot ko.

Tumango si Chad. He looks like the most friendly on his brothers, but he also look like some short of man who'll take a serious business ganoon din si Nealle ang naiiba lang sa magkakapatid ay si Dame ang bunso, he looks like a badboy? He doesn't smile. He doesn't look please either. He's just giving us cold stare. I dont know. Well actually itong magkakapatid na ito ay mukhang hindi mapagkakatiwalaan. They look like someone who's not capable on being a good person. Nakakatakot ang itsura nila lalo na si Nealle pag ngumingisi.

Mabilis akong napatingin sa kanya na mabilis ko ring pinagsisihan. He is looking at me na parang alam nya ang takbo ng isip ko. Agad akong nakaramdam ng matinding kaba sa tingin nya.

Ito ang sinasabi kong nakakatakot. Those expensive eyes are giving me a gaze that makes my heart uncomfrotable.

Wicked HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon