Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nilalakad namin ang masukal na gubat upang marating ang mismong falls. Marami ang dahon sa gilid ng makipot na daan. Hindi naman iyon mabato pero marami lang talagang dahon ng puno sa gilid-gilid. Hindi naman ako nahirapan dahil hinahawi ng mga kasama namin ang dahon para maayos ang madaanan namin ni daddy.
Hindi malayo ang nilakad namin pero malamig na hangin ang bumati sa amin at malakas ang bagsak ng tubig galing sa bundok ang bumungad sa amin. Marami ang taong naliligo dito. Puno ang mag cottage.
Napangiti ako ng masilayan ang linaw ng tubig. Mabilis na dumapo ang tingin ng mga inosenteng taong naliligo sa falls sa amin. Marahil sa itsura ng mga kasama namin na mukhang hindi sadya ang falls? Okay naman ang suot nila, shorts at t-shirt, okay lang din ang suot ko pero naagaw namin ang atensyon nila.
Kahit na lagi kaming nagbabakasyon ni daddy dito ay hindi ko pa rin narating itong falls na ito. Lagi lang kasi akong nasa hacienda at nakikipag-taguan sa mga kasambahay.
"Kumpare!" Amer dela Vega shouted. Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang isang tao.
Bagsak balikat akong tumungo sa cottage ng mga dela Vega. Nag-batian pa sila daddy. Muli kong binalik ang tingin sa malinaw na tubig na nagyaya ng ligo. Pero hindi yon ang sadya ko.
"Si Nealle po?" Wala sa sariling tanong ko. Nakatingin pa rin ako sa tubig pero ng marealize ang tanong ko ay dahan-dahan kong binaling ang tingin sa daddy ko at sa mga dela Vega. Napansin kong wala ang mga anak nila.
Nakangiti ang mag-asawa ganoon din si daddy, patuloy lang sa paga-ayos ang mga katulong nila sa table at hindi kami binibigyan ng pansin. Ang mga bodyguard naman nila ay nakatayo lang sa bawat sulok ng cottage na tila walang naririnig.
"I-i mean, nasaan po sila K-kuya Nealle, Chad at Dame?" Pigil hiningang tanong ko. Lalong lumaki ang ngiti nila. Namula ang mukha ko sa kahihiyan, simplemlang ang tanong ko pero bakit ganoon?
"Naliligo lang sila hija." Saad ni Lydia dela Vega. Napatango lang ako at muling ibinalik ang tingin sa malinaw na tubig. "Bakit ikaw, hindi ka ba maliligo?" Humarap akong muli sa Ginang. Ngumiti at umiling.
"Hindi po ako marunong lumangoy e, tsaka naligo naman na ho ako." Saad ko at ngumiti. Tumango sya at pumunta kay daddy at sa asawa nya sa sulok na may mga kinakausap na tao. Umupo ako malapit sa entrada ng cattage kung saan kaunting hakbang lang ay maabot mo na ang malalim na tubig ng falls. Nilibot ko muli ang tingin ko. Wala naman sila dito. Nagpatuloy na sa paliligo ang iba, ang ilan naman ay nakababad sa tubig at nakatingin sa akin at tila pinag-uusapan ako. Hindi ko nalang ito pinansin. Inikot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Maging sa pinanggagalingan ng tubig ay tiningan ko. No sign of Nealle dela Vega.
Pero natigil ang ikot ng mata ko at nahinto sa malayong banda kung saan umaagos ang tubig mula sa falls. Kung hindi ako nagkakamali ay patungo na ito a dagat.
May dalawang anino doon na biglang nawala dahil sa malaking puno.Wala sa sariling nilakad ko ang distansya hanggang sa maabot ko ang malaking puno. Nagiisa ito sa init ng araw. Naagusan sya ng tubig sa falls.
Humanga ako sa ganda kung paano tumatama ang tubig sa tsokolateng kulay ng maugat na puno, malilit na bato ang nasa ilalim ng hangang tuhod na lalim ng tubig.
Pero nahinto ako ng maka-rinig ng tinig na ngayon ko lang narinig buong buhay ko. Tila maliliit na tubig na paulit-ulit naglalapit. Agad akong kinabahan ng makatinig ng pangalan.
"N-neal.."
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomanceArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...