Kabanata 5

670 17 0
                                    

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko na iginalaw ang mga paa ko para malaman kung sino ang isa sa dalawang tao na naghahalikan.

Bago pa sila matapos sa kung ano pinag-gagawa nila ay tahimik kong tinalikuran ang puno.

Hindi ko rin alam kung bakit humihigpit ang paghinga ko. A very unfamiliar feeling.

Nahinto ako sa kalagitnaan ng init. Pagitan ng malaking puno at ng mismong paliguan sa falls.

Hinabol ko ang hininga ko pero nahihirapan ako. Tila kapos sa oxygen ang lugar na ito.

"Ara?" Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ng isang boses sa gilid ko. "What are you doing here?" Nakangiting tanong nya at walang atubiling lumapit sa akin.

"Nag-iikot lang." Dahilan ko ng maka-bawi ako. Tumaas ang kilay ni Chad pero ngumiti rin.

"Tara sa cottage. Maligo tayo!" Yaya nya at sinabayan akong maglakad pabalik.

"Ah, hindi kasi ako maliligo." Saad  ko ng makarating kami sa cottage. Nagsisimula na kasi syang mag-hubad ng t-shirt. Napansin ko ring may mga napatingin sa kanyang mga kababaihan na nakaswimsuit na naliligo. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Wala sila daddy ng bumalik kami dito, mga katulong lang na nasa kabilang cottage at ibang bodyguard na parang robot.

Ngumiti sya, his dimple showed up. Nanliit rin ang mata nya sa ngiti.

Hindi na ako magtataka kung bakit nakatingin sa kanya ang mga babae dito. Maybe his year older than me pero kung titingnan mo ang katawan nya ay malapit na itong makabuo ng abs. Tapos pag ngumiti sya ay lalabas ang mag dimple nya at liliit ang mata, matangos at manipis ang maliliit nyang labi. Malaki rin ang panga nya dahilan ng lalim ng dimple nya. Pwede syang mag-artista, pero nakakatakot naman sya kapag seryoso. Napansin ko sa mga Dela Vega na hindi sila ganoon kahilig ngumiti.

"You sure?" Ngumiti ako at tumango. "I won't swim far then." Saad nya at tumalon na. Saktong pag-wasik ng tubig sa akin ay pagpasok naman sa cottage ng bunso. Seryoso ang mga mata nya, like usual he doesn't look please at anything. Sure he's gard to please. Siguro sya yung kaedad ko sa tatlo. Ngingiti sana ako sa kanya pero naunahan nya ng pikit mata. Inaantok siguro. Hindi ko na lang sya pinansin.

Nakita kong kumakaway sa akin si Chad. Kumaway ako pabalik sakto namang pagbaba ko ng kamay ay pagdating ni Nealle.

Agad akong nakaramdan ng matinding kaba. Sa likod nya ay dire-diretso ang isang babae na naka-twalya sa cottage ng mga katulong. Sinundan ko ng tingin ang babae. Lalong nakita ang kinis nya ng naka-maikling short lang sya, nakatakip ang taas nya ng twalya. Sya yung yaya doon sa mansion ng dela Vega na tinulungan ni Nealle. Pero natigil ako ng pumasok sa utak ko ang isang bagay.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang nag-pupunas ng buhok si Nealle. Mabilis akong napatingin sa labi nya.

Tapos bumalik ang tingin ko sa katulong.

She's the girl who moaned Nealle's name.

May realasyon sila.

Dahan-dahang binalik ko ang tingin ko kay Nealle. He's half naked, naka-shorts lang sya. Seryoso syang nakatingin sa akin. Tila alam ang takbo ng utak ko. Hindi ako nakagalaw. Isang pasadang punas ang ginawa nya sa buhok nya at inirapan ako bago tumalikod.

Namula ang mukha ko sa rebelasyon na nalaman.

Wicked HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon